Madali akong nag-ayos ng sarili at pinuntahan na ang makakasama ko sa labas ng hacienda. I have very little patience but I have to control myself because I don't want Dad to be disappointed in me. If possible, I will make a connection between the two of us and forget the shame that happened last night, I will—
Napatigil ako sa aking pag-iisip nang makita ko s'yang maruming nagtatanim ng mga bulaklak sa labas ng gate ng hacienda.
Meron s'yang salakot na suot at mahaba ang manggas ng damit. Marumi ang kamay at seryosong-seryosong pinagmamasdan ang kanyang itinanim. He was the only one I saw whose body was already dirty pero bagay pa rin.
"What is the meaning of this?" I asked him, irritated.
I quickly got his attention then he removed the salakot he was wearing.
"Good morning, Caroline."
Lumapit ako sa kinatatayuan n'ya. "When did you understand that you can just call me Carol?"
"Until you learn to talk to me politely and call me by my name."
Napasapo ako sa aking noo ng wala sa oras. Kalmado s'ya at ni walang halong pagkainis sa boses n'ya na mas ikinairita ko.
"Alam mong may kailangan tayong gawin ngayon hindi ba? Why aren't you dressed up yet? Kailangan nating pumunta sa sentro nang makapaghanap na tayo ng gagamitin sa party."
Inayos n'ya ang kanyang sarili at para bang hindi ako pinakinggan.
"Hey!"
He took his things from the ground and was about to leave in front of me.
"Mr. Caretaker!"
Tila binging nilagpasan ako neto. Napakamao ang kamay ko. Ano bang trip ng lalaking 'to?
"Sid."
"Yes, Carol?"
Halos mabali ang leeg nito nang humarap ito pabalik sa akin. Hindi ako makapaniwalang napamalag sa mukha n'ya ngayon. Kulang na lang ay pumutok na ang ugat ko sa ulo dahil sa inis.
"Get yourself ready, kukuha lang ako ng kotse. I don't want to spend the remaining ten days doing nothing."
Pilit kong ikinalma ang sarili dahil alam kona kung paano s'ya maglaro. Hindi s'ya nakukuha sa sigaw and I have to adjust to whatever he wants para lang matapos na 'to.
"Short tempered, bossy, arrogant."
Mataray akong nabaling sa kanya nang bitawan n'ya ang mga katagang 'yon.
"Hindi ko hinihingi opinion mo tungkol sa akin," I said in a humble tone. I swear to God that I tried to be kind in front of him.
"Sungit, talas ng bibig."
What!? I was about to slap my hand on his face when he suddenly spoke again.
"Maganda, matangkad, malaki ang boo—"
Lalapat na sana ang palad ko sa kanya pero mabilis itong nakaiwas. Ang buo akala ko pa naman ay babawi na s'ya sa panlalait n'ya sa akin pero kamanyakan na naman n'ya ang umiral.
"Just kidding, give me a minute to prepare. Wait for me."
Nakangisi itong lumayo sa aking harap at mabilis na nawala.That Sid really has a demonic attitude. Napahawak naman ako sa aking pisngi. Ramdam ko ang pamumula no'n dahil sa hiya. May gano'n man s'yang ugali, I can't admit that he has this soft and saint looks na nakakadagdag ng charisma n'ya.
A few minutes passed and I saw him going to the car I was riding in. I was stunned by what he was wearing.
"Anong suot 'yan?" bungad ko sa kanya nang makapasok s'ya sa kotse.
"May problema?" maang na pabalik na tanong n'ya.
I gripped the steering wheel tightly.
"Walang problema Sid but I am expecting you to dress decently. We're gonna meet some people and you dress up like that?"
Simple n'yang sinipat ang sarili n'ya sa side mirror at muling ibinalik sa akin ang tingin.
"Hindi ako tulad mong laking ibang bansa. Saka normal na ito sa mga taga-Alfonso."
Inilipat ko ang tingin sa harap. He is wearing a simple white checkered polo with a small cat patch in the collar and tokong pants while wearing a comfortable traditional slipper made with abaca. Siguro nga ay tama s'ya, na dapat masanay na ako sa ganitong culture sa Alfonso. He still has this dominant aura so it's okay. Napailing ako napahinga nang malalim.
Wait, mahilig pala s’ya sa pusa?
"Sorry for that."
I don't know but he has an aura that I can't break. He looks very calm and simple but he has a bossy aura na hindi ko masabayan.
I started the engine and started to drive the car. Sana lang ay maging ayos ang araw na ito sa amin.
~*~
"For seventy thousand pesos; chair, table, sound system, and food for sixty people."
Napangisi ako sa narinig.
"Ibig sabihin sa seventy thousand pesos wala na akong iintindihin pang iba? Kayo na ang bahala all through the party?"
Mas lumaki ang ngiti ng matandang babaeng nasa harap ko. "Opo, Madam! Kami na po ang bahala sa lahat. Wala na po kayong iisipin pang iba."
Tumayo ako at galanteng ibinaba ang card na hawak sa lamesang pumapagitna sa amin. "For hundred thousand pesos, siguraduhin n'yong magiging ayos ang flow ng party."
I saw how the eyes of the person I was talking to lit up and quickly applauded.
"Heto po ang contact info po namin, Madam. Ise-send ko po d'yan ang possible menu na ihahanda namin. Kailangan ko lang po ngayon ng downpayment na fifty thousand pesos—"
"Mrs. Belen? Puwede ko bang makausap sandali ang kasama ko for a while?"
Tumali ang tingin ni Mrs. Belen sa katabi kong si Sid. Pati akoy napataas ang kilay sa sinabi n'ya.
"Nag-uusap pa kami Sir Sid," timping saad ni Mrs. Belen.
Without a word, Sid pulled me out of the shop.
"Sorry Mrs. Belen pero mas kailangan namin mag-usap," tutol na sagot ni Sid at mabilis naming iniwang busangot ang mukha ni Mrs. Belen.
I removed Sid's hand from my elbow. "What's wrong with you? Ang ganda no'ng usapan, sinira mo."
"Carol, don't be in a hurry." I can see the stress on his face.
"Ano bang ibig mong sabihin? We only have ten days to prepare and now sasabihin mong huwag akong magpadalos-dalos? Maganda naman 'yong offer," sumbat ko.
Napahawak sa batok si Sid at timpi akong tiningnan.
"You didn't understand. Hindi basta-basta ang one hundred thousand pesos, are you out of your mind? We can do so much more with that money."
Nakipaglabanan ako ng titig sa kanya.
"You didn't even check the customers review ng catering services na pinuntahan mo. Even the theme or foods hindi mo alam, basta hinayaan mo sila."
Napalunok ako sa mga linyang binitawan n'ya. Tss.
"Sa one hundred thousand pesos, wala pang emcee and how can you be sure that sixty people will go to the party? Pati ang bagay na 'yon hindi mo inalam."
Doon na ako napaiwas ng tingin sa kanya. Hindi s'ya sumisigaw pero tagos na tagos ang sinabi nya. I feel guilty right now at sobrang naiinis ako dahil nagmumukha akong tanga sa harap n'ya.
"You can't blame me! Wala akong alam sa ganito. I did what I think is right—"
"Sup, Sid!"
Biglang nangunot ang noo ko sa umalingawngaw na boses sa 'di kalayuan. Who the heck is she?
Malaki ang ngiti nito at malagkit ang mga tingin papunta kay Sid. She's wearing a sexy red dress katambal ng namumula rin nitong labi.
Katanghaliang-katanghalian, nakapula. Tss, sakit sa mata.
"Oh! You're here, Kia. Thank God."
My gaze shifted to Sid na sinalubong ang babaeng 'yon.
"Nice meeting you again handsome Sid," maarteng saad ni Kia sabay halik sa pisngi ni Sid.
"Salamat dahil pumayag kang tulungan kami ngayon."
I was in agony when I heard what Sid said. Ibig ba n'yang sabihin ay humanap s'ya ng resbak? Hindi s'ya kontento sa akin?
"Basta ikaw Sid, saka sino pa ba ang magtutulungan kun'di tayo?" Sabay hagalpak.
Nasakit ang tenga ko sa tawa n'ya, paano nakakatiis si Sid sa gan'yang babae.
"Carol, this is Kia. She's been my friend for a long time. And Kia, she's Carol. A guest and the daughter of one of the owners of Hacienda de Venice."
Tiningnan ako ni Kia sapol paa hanggang ulo. "Oh, another rich woman from you Sid." Sabay silang nagtawanan.
The heck is wrong with them! Sarap nilang konyatan!
"I'm done here."
"Wait! Carol, where are you going? We still have work to accomplish."
Pinandilatan ko si Sid at hinila s'ya ng kaunti kay Kia. "D'yan ka sa Kia mo tutal naman nakahanap ka na naman ng tutulong sa'yo then go. Siguraduhin mong may maayos kang party na maihahanda."
Ano pa bang silbi ko rito? E, ayaw n'ya naman sa ginawa ko? It's better to go home to the hacienda than go with those two.
I heard Sid's soft laugh habang 'yong Kia ay nagre-retouch ng make-up n'ya.
"Ano bang nakakatawa?" iritang tanong ko.
"Are you jealous?"
I was shocked by what I heard and laughed mockingly. "Are you out of your mind handsome Sid?" asar na sagot ko.
Lalo itong napatawa. "Look, look at your face."
"Shut your mouth, Mr. Caretaker. Uuwi na ako."
Akma akong aalis na sa pwesto nang bigla n'ya akong hinarangan.
"Talagang pinapatunayan mo lang na nagseselos ka."
"What? Hell no!"
Ngumisi ito. "Then prove it, stay by my side and we will finish organizing the party today."
Wala sa oras na napairap ako sa kawalan. Nasisiraan na talaga s'ya ng ulo.
"Ehem." Lumapit sa pwesto namin si Kia. "I think we should start now."
"End this day keeping with me then saka mo lang ako mokukumbinsi na hindi ka nagseselos." Saka umalis ito sa harap ko at pumunta sa tabi ni Kia.
The audacity?
~*~
We are currently here at Cafe Agoncillo. Medyo malayo sa sentro ng pamilihan, nasa gubat na nga kami actually and 'yon ang purpose ng cafe na ito, ang scenery. I like the atmosphere and ambience. Fresh sa pakiramdam sa katunayan pero naaadwa ako sa sa dalawang 'yon.
They are sitting together at a table and talking seriously. Ako na mismo ang humiwalay sa kanila dahil hindi ko naman maintindihan ang pinag-uusapan nila. Bukod naman kase sa party ay puro lang sila landian. Sino naman ang matutuwa sa gano'n.
Kung hindi lang talaga kay Sid.
"Give me a second, Kia. I need to answer this call."
"Sure, no worries."
Napatingin ako kay Sid nang tumayo ito at bigla namang nagtama ang tingin namin ni Kia. She smiled teasingly and slowly approached me.
I secretly sighed. What is this woman thinking?
"Hi, there!"
Hindi ako sumagot at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana kung saan kitang-kita ang buong kabayanan ng Alfonso.
"Well, having that kind of attitude doesn't fit the for Sid."
Do'n ako napangiti na parang nanunuya. "Sino bang nagsabing isinisiksik ko ang sarili ko kay Sid?"
She brought her face closer to me and then looked at me na para bang adwang-adwa.
"Lumayo ka sa kanya, puwede?"
The smile on my lips turned into a smirk at pinantayan ang mga titig n'ya.
"He was the one who insisted that I go with the two of you and now you're telling me to stay away from him?"
Napahampas ang kamay nito sa lamesa at pinagdilatan ako ng mata.
"I'm the one he wants to be with more than you," turan ko at mabilis na tumayo sa kinauupuan.
Ramdam kong magsasalita uli s'ya pero biglang dumating si Sid. I greeted him with a smile as high as the sky and grabbed his arm.
"Saan ka ba punta nang punta? Inip na ako, gusto ko na umuwi," saad ko sa maarteng boses at saka tiningnan ang nanggagalaiting mukha ni Kia.
Ramdam ko ang gulat ni Sid sa ginawa ko pero 'yon na lang din ang pagkagulat ko nang iniyapos n'ya ang kanyang malaking braso sa aking bewang.
"We're done Carol, we just have a few things we need to clear up," ganting wika ni Sid na abot-abot din ang ngiti sa akin.
Hindi naman ako nagpatalo lalo pa ngayon na kitang kita ko ang surang-surang mukha ni Kia. "But Sid?" kontra ko. Halata naman kay Sid na nakahalata sya sa gusto kong iparating.
"If that's what you want..." Tumingin si Sid kay Kia na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha. "Tapusin natin ang meeting via video call."
"What? Are you kidding me?"
"Well, let's go home, Sid."
Mabilis kong kinuha ang siko ni Sid at patikar na lumabas ng cafe at pumasok sa nakapark na kotse sa 'di kalayuan.
I sighed and leaned against the steering wheel. Bwesit na Kia 'yon.
Napatingala ako nang marinig ang tawa ni Sid na nakaupo sa shotgun seat.
"Anong problema mo?" asar na tanong ko.
"Ikaw, anong problema mo?" Then he continued to laugh.
"Excuse me Mr. Caretaker? 'Wag mong isipin na pinagnanasahan na kita."
Binuhay ko ang makina at nagsimulang magpatakbo ng kotse dahil nakita ko ulit si Kia na lumabas ng cafe kasunod namin. Ayoko naman na masusundan pa kami no'n hanggang sa Hacienda de Venice.
"What's that for? That's not the Carol I knew." I ignored him and drove faster while he still couldn't get over what I did.
"So? How's my biceps?"
Napairap ako ng wala sa oras. "I couldn't stand the atmosphere with that Kia anymore so I did that to you. Huwag kang feelingero."
"That's not my question, Ma'am." Napalingon na ako sa kanya at nadatnan ko ang pilyo n'yang ngiti.
"How's my biceps?" pag-uulit n'ya.
I looked away and felt even more annoyed. "Pweh!" tugon ko na mas lalo n'yang kinahagalpak ng tawa.
Bigla kong naramdaman ang hiya kaya naman mas binilisan ko ang takbo pero maya-maya lang ay bigla akong napapreno.
"Sh*t!"