CHAPTER THREE

1389 Words
"Sh*t!" The surroundings were quite dark, so I didn't immediately notice that there was someone on the road. Mabilis na lumabas ng kotse si Sid at tiningnan ang nabangga ko. Kabog ang puso kong sinundan si Sid at 'yon na lang ang pagkagitla ko nang makita ang isang babae na puno ng sugat. Napahawak ako sa aking bibig sa gulat. Puro sugat ang katawan n'ya at nasisiguro kong hindi 'yon dahil sa pagkakabangga ko. Her face was so full of bruises that it was almost impossible to recognize her identity. "Miss? Hey!" "L-luxx? Luxx! Pakawalan mo ako! Bitawan mo a-ako!" I frowned at what the woman said. Luxx? He called Sid... Luxx? Kitang-kita ko kung paano humigpit ang hawak ni Sid sa damit ng babae. What the hell is going on? I have a bad feeling about this. Nagpupumiglas ang babae sa kabila ng mga sugat nito sa katawan. She was sweating profusely and could barely walk. "Tulong! Tulong! Nagmamaka-awa ako!" Hindi ako makakibo sa aking kintatayuan habang humihingi ito ng tulong sa akin habang nakabulagta sa kalsada at kumakalas sa hawak ni Sid. "Sid! What is the meaning of this?" He was taken aback by what I said and shook his head slightly. Rinig na rinig ko ang hikaos ng babae until she loses consciousness. Sid cursed and quickly picked up the girl. I quickly opened the car door. Walang ano-ano ay kinuha ni Sid ang manebela. "Get in the car!" Wala akong nagawa kun'di sundin s'ya. Muli kong sinipat ang kalagayan ng babae. A complete astonishment enveloped me. How can a woman end up in a forest like this at tinatawag n'yang Luxx si Sid. "Sid? Where are we going? We need to take her to the hospital," taka kong saad kay Sid dahil ibang direksyon na ang tinatahak n'ya. "I will take care of her when we arrive at the hacienda at ikaw naman, magpahinga ka na pagdating natin," seryosong sagot n'ya na mas lalo kong pinagtaka. "Nahihibang ka na ba?" Hindi sa wala akong tiwala sa kanya o ano pa man pero nag-aalala ako sa kalagayan ng babaeng ito na bugbog sarado. Mas maganda sana kung isang professional na mag-alaga sa kanya. Pero sa lagay na ito ay parang hindi ko na makokontra pa si Sid. Seryoso na ito at hindi na ako kinibo pa. ~*~ Two days have passed. Makita man lang si Sid ay hindi ko nagawa. He constantly make my breakfast before I woke up na pinapadala n'ya kay Emma every morning. He always give me flowers in afternoon too na hindi ipinapalya ni Ruth dalhin sa akin. That bastard is clearly flirting with me but where is he? Since that night, I haven't seen him in the whole hacienda. I'm worried about Sid and the girl we met. I don't even have any news from the two of them, even the people here at the hacienda don't talk about that matter. Dumagdag pa ang party na hindi ko alam kung naayos nga ba ni Sid at Kia. Ilang araw na lang ay magsisimula na iyon kaya mas naiistress ako. Malalim ang pag-iisip habang nililibot ko ang aking kwarto. Hindi ko magawang makapag-tanong kay Julio o kay Emma at Ruth dahil baka kung ano pa ang isipin nila. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa rancho para tingnan ang mga alagang kabayo ro'n para na rin maalis ang mga isipin na ilang araw ng gumugulo sa akin. Alas-singko na ng hapon at hindi na masakit sa balat ang init kaya naman mas malaya akong makakapaglibot sa buong rancho. Bumungad sa akin ang ilang mga tauhan sa loob ng hacienda na masayang naghuhuntahan sa ilalim ng puno sa 'di kalayuan na ngayon ay nagsisimula nang umalis para siguro umuwi na. Ngumiti ako nang mag-sikaway sila sa akin. Nakuha naman ng atensyon ko ang isang pusang puti na mataray na nakatingin sa akin at nakaupo sa isang barrel. May tagname ito sa leeg, Vien. Lalapitan ko sana ito pero mabilis namang umalis. Ilang minuto ang nakaraan at wala akong ibang ginawa kun'di pagmasdan ang malulusog na kabayo. "Apo?" I quickly turned my face to my back and searched for the owner of the voice. "Apo, banda rito!" I hurriedly ran to an old man with a sack on his back and his clothes were dirty. Nasa labas ito ng rancho kaya naman dali-dali akong lumiban ng bakod para matulungan s'ya sa kanyang dala. "'Tay? Ayos lang po ba kayo?" tanong ko ngunit hinawakan ako nito sa siko. "Mabuti naman apo pero puwede mo ba akong tulungan sa dala ko? Sobrang sakit na kase talaga ng balakang ko." Mabilis kong kinuha sa balikat n'ya ang sako. "Wala pong problema. Gusto n'yo po bang pumasok muna sa loob ng hacienda para makapagpahinga?" I offered but his grip on my elbow tightened even more. Gumuhit ang pagtataka ko. "Hindi na apo, nand'yan lang ang bahay ko." Napatanaw ako sa itinuro n'ya sa 'di kalayuan ngunit tumambad lamang sa akin ang isang kagubatan. bigla akong kinabahan at ibinalik ang tingnin sa matanda. Kinuha ko ang braso sa kanyang kamay pero mahigpit n'ya 'yong hawak. "Bitawan mo ako—" Walang ano-ano ay binitawan ko ang sako at mabilis na nagpupumiglas. Sh*t! "Hawak ko na! Bilis! Bilis!" The handkerchief tightly covered my mouth as a man dragged me into the forest. Hindi ko namalayan ang presensya n'ya dahil sa kausap kong matanda. Kitang kita ko 'yong matanda kung paano ngumiti sa akin ng nakakaloko saka nang-aasar na kumaway. Buong lakas akong kumalas sa bisig ng lalaki. Anong kailangan nila? Hindi puwede 'to! "Huwag mo akong punuin! Sumama ka na lang sa akin!" Malakas ko itong siniko sa kan'yang tagiliran at kumaripas ng takbo. "Hoy!" I can feel the thorny path and branches rushing to my arms just to escape that man. The sun is starting to go down, so it's getting harder for me to escape. Hihingal-hingal akong napaupo sa likod ng isang puno at napayapos sa sarili. Sino ang mga 'yon? What is their motive for doing this thing? Gayo'n na lang ang pagkabigla ko nang makita si Sid sa aking harapan. Napatayo ako at mabilis na tumakbo papunta sa kanya. "Sid!" I felt safe when I saw him. Pirmi itong nakatayo habang walang emosyong nakatingin sa akin. Napayapos ako sa kanya dahil sa takot. "Good thing you're here! May gustong dumukot sa akin, Sid. Hindi ko sila kilala," sumbong ko pero nanatili s'yang nakatayo at walang kibo. Doon na ako napabitaw sa kanya at napatingin sa mukha n'ya. Napaatras ako at nagtaka sa nakita. Ibang aura ang pinaparamdam n'ya sa akin, ang porma n'ya ay ibang-iba sa nakasanayan ko pati na rin ang buhok nito ay naiba. His once clean two-block haircut was suddenly replaced by a french crop haircut and his aura was very dark. Malayong-malayo sa medyo pilyong lalaking nakilala ko. Anong kalokohan 'to? Muli akong napaatras. Dalawang araw kaming hindi nagkita pero bakit parang ibang tao na ngayon ang nasa harap ko. I can't recognize him anymore. Trembling settled in my entire system as he shot me a cold look from my face down to my feet. "Sid?" Pagkatapos na pagkatapos kong banggitin 'yon ay napangisi ito ng mapait at bahagyang lumapit sa akin. "F*ck that Sid." Nanigas ako sa aking kinatatayuan at napalunok sa narinig. Doon na malinaw sa akin, sa boses at mga titig n'ya. "You are not him," I said as nervousness and fear filled my system. He laughed loudly which echoed throughout the forest. Napamura ako at mabilis na tumakbo palayo sa kanya. Where is the real Sid?! May biglang humarang sa dadaanan ko. "Opps, sa'n ka pupunta?" "Get away from me! Ano bang gusto nyo?!" Ito 'yong lalaking gustong kumuha sa akin. Napansin ko naman ang matandang lalaki na tutulungan ko sana na ngayon ay napakalaki ng ngiti. Argh, Corner ako! Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. "Bring that lady to HQ." Nanlaki ang mata ko sa narinig. Parang kuryente na pumapaso sa kalamnan ko ang mga salitang binitawan n'ya. Takot akong humarap sa kanya na ngayon ay nakakalokong nakatingin sa buong pagkatao ko. This can't be real. Don't tell me na may kakambal si Sid? Sa isang iglap ay mabilis nang nagdilim ang paningin ko at bumagsak sa maduming kalupaan. What the hell is going on?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD