Mabuti na lang at hanggang sa fourth floor lang ang pinakahuling bumaba mula sa mga kasakay ko sa elevator. At least, hindi nila iisipin na dito sa CEO’s office ako pupunta. Kung hindi, mabubuo sa hinala nila na si Brandon ang , pinaghahandaan ko para sa isinigaw ni Leslie na pagtu-toothbrush ko. Napanhinga na lang ako nang malalim. Wala na akong magagawa, nangyari na ang nangyari. Kailangan ko na lang maghintay ng tamang panahon para makaganti kay Leslie. Bigla kong naalala na anumang oras ay baka dumating na si Brandon. Kaya naman hindi ko na ibinaba ang bag na dala ko at agad ko nang kinuha ang susi para pasukin na ang kuwarto ni Brandon. Ewan ko ba dun. Naturingang boss ng kumpanya, pero ang aga pumapasok. Sabi nga ni Leslie, si Mam Leah nga, five minutes before her official com

