Kanina pa walang tigil ang malakas na paghagulgol ni Aira. Kanina ko pa rin naririnig ang pagsinghot ni Nikko, kahit wala namang tumutulong luha sa mga mata niya. Para bang magiging malaking kabawasan sa p*********i niya kung iiyak siya. Ako? Hindi ko alam kung bakit tila wala akong emosyon. Kanina pa ako nag-oobserba lang sa mga kilos ng dalawang kapatid ko. Gusto ko ring maiyak pero parang may pumipigil sa pag–iyak ko. Dahil deep inside, ayaw kong paniwalaan ang nangyayari ngayon. Gusto kong isipin na panaginip lang ang lahat ng ito, mayamaya lang ay gigising na ako tulad ng nakasanayan ko, tapos ay papasok na sa OJT ko. DUMATING na ang gabi, pero wala pa ring nagbago sa aming tatlong magkakapatid. Naririnig ko pa rin ang malakas na pag-iyak ni Aira. Samantalang si Nikko, ganun pa ri

