Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Brandon. “Ms. Alejandro? What the hell is that?” Nabigla ako. Hala! Bakit ganun? Ini-imagine ko lang naman na nakatayo si Brandon dun sa mismong lugar na ‘yun, bakit nandun nga siya? “Ms. Alejandro!” Bahagya akong nagitla. Kung kanina ay parang nagtatanong ang pagkakatawag ni Brandon sa pangalan ko, ngayon ay pasigaw na kaya nagulat ako. “Ah, ah.. uhurm! Hrm!” sabay hawak ko sa ibabang bahagi ng lalamunan ko. Nakita kong may pagtataka ngayon ang klase ng tingin ni Brandon sa akin. “S-Sir… pesteng ehem. Makati lang ang lalamunan ko. Oo. ‘Yun nga.” Nakita kong nagsalubong ang mga kilay ni Brandon. “Oo, Sir. Medyo masakit na nga ang lalamunan ko. Kaka-ehem ba.” Nakatingin pa rin si Brandon sa akin, pero ngayon ay may halong paagdududa, kaya pin

