CHAPTER 13 - CHARM

1178 Words
“Stella!” Bahagya kong ipinilig ang ulo ko, “May sinasabi ka, Ms.Cathy?” Bumuka ang bibig ni Ms. Cathy, tapos ay muli itong sumarra, tila ba nagbago ang isip niya sa sasabihin niya. Sa halip, mataman niya akong pinagmasdan. Agad akong kinabahan. Binabasa ba niya ako? Ang isip ko? Pilit kong pinakalma ang sarili ko. Hindi pwedeng malaman ng kaharap ko ang totoong damdamin ko para kay Brandon. Ang pamilya ko, at si Leslie, sila lang ang bukod-tanging nakakaalam ng matinding paghanga na nararamdaman ko para sa CEO ng Verizon Communications. Tutal naman, ilang buwan lang naman ang ilalagi ko dito sa Verizon. Pagkatapos nun, hindi na uii kami magkikita-kita. Isa pa, ang hirap magtrabaho at kumilos dito sa opisina ni Brandon kung alam ni Ms. Cathy na may mataas akong paghanga sa CEO ng Verizon. ”Stella. Bakit hindi mo masagot ang tanong ko?” ungkat sa akin ni Ms. Cathy. “Ha, Ms. Cathy? Ano kasi…” Nag-iwas ako ng tingin kay Ms. Cathy. Tapos ay tumingin ako sa gawi ng opisina ni Brandon. Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Ms. Cathy. “C-Crush lang naman.” Anak ng… bakit ba hindi ko kayang i-deny ang feelings ko para kay Brandon? Ayan. Dagdag pa ngayon si Ms. Cathy sa mga taong nakakaalam ng sikretong damdamin ko para kay Brandon. “Sinasabi ko na nga ba.” Nakagat ko ang ibabang labi ko. “M–Ms. Cathy kasi…” Hindi ko alam kung ano ba dapat ang sabihin ko kay Ms. Cathy. Bawal na ba ang humanga ngayon? Bawal ba dito sa Verizon? May ganun bang batas para sa mga nagtatrabaho? Is it against the rule of the company to have a big crush with the CEO? “Stella... payo lang.” Nakuha nun ang atensyon ko kaya binalewala ko muna ang mga tumatakbo sa isipan ko. Umiling-iling si Ms. Cathy. “Mas madalas pa naman akong mawawala. Hindi kita mababantayan.” Bantayan? Huminga muna nang malalim si Ms. Cathy bago uli nagsalita. “Sige. Crush. Okay lang ‘yan.” Kahit papaano, nabuhayan ang loob ko sa sinabi niyang ito. “Pero pwede ba, Stella… hanggang dun na lang? Huwag mo nang palawigin pa.” “Ano’ng ibig mong sabihin, Ms. Cahy?” “Don’t ever fall in love with Brandon Hizon.” Napamaang ako kay Ms. Cathy. Ano’ng ibig niyang sabihin? Bakit niya ako pinagbabawalang mahulog kay Brandon? May gusto rin ba siya kay Brandon? O may lihim silang relasyon? Pero ikakasal na si Ms. Cathy, di ba? “M-Ms. Cathy…hindi ko maintindihan…” “Masasaktan ka lang, Stella kung hind mo pipigilin at ipagpapatuloy mo iyang nararamdaman mo para kay boss.” Tumingin ako sa kisame, na para bang nandoon ang sagot sa mga tanong sa nasa isip ko ngayon. Gaya ng inaasahan, wala naman akong nakuhang sagot sa kisame. Kaya muli kong tiningnan si Ms. Cathy. “Ms. Cathy, hindi ko ma-gets ang gusto mong sabihin.” ”Stella, walang kakayahang magmahal si boss. So kung lalalim ang nararamdaman mo para sa kanya, talo ka. Masasaktan ka pa.” Sa halip na maliwanagan, lalo lang yata akong naguluhan sa sinabi ni Ms. Cathy. Ano’ng ibig niyang sabihin na walang kakayahang magmahal? May ganun bang tao? “Bata ka pa. Marami ka pang Brandon Hizon na makikilala at dadating sa buhay mo. Huwag lang iyang original na Brandon Hizon. Huwag sa kanya. Wala kang kalaban-laban. Ayokong masaktan ka.” Gulong-gulo na ang isip ko, kaya tipid na lang akong ngumiti kay Ms. Cathy. “Pero, Ms. Cathy naman… Crush lang naman. Humahanga lang ako sa kanya. Kasi bukod sa guwapo na, ang galing-galing pa niya. Bata pa lang siya, pero grabe na ang achievement niya sa buhay.” “Kasi nga, ang Mama ni boss, ganyan siya pinalaki. Dapat puro tungkol lang sa sarili. Pagpapaunlad sa sariling kakayahan. Hindi siya puwedeng magmahal ng ibang tao kung hindi ang sarili lang niya.” “Ha? Ang selfish naman nun!” “Kaya ang mabuti mo na lang gawin, mag-focus ka muna sa pag-aaral. Malay mo, marating mo rin ang narating ni boss. Don’t worry, someday, darating din ang Brandon Hizon ng buhay mo.” “Noted, Ms. Cathy,” ngumiti ako sa kanya, “bakit ba ang serious naman natin?” Pabiro niya akong inirapan at saka humarap na sa mesa niya. “Nag-aalala lang akosa ‘yo. Iiwanan kasi kita dito, kaya warningan na kita agad.” “Wait… sa mga sinabi mo, parang lumalabas na… wala pang naging official girlfriend si Sir Brandon? Sabi mo kasi, si Kimberly, pretending girlfriend lang naman siya.” Napahinto si Ms. Cathy sa pag-abot sa planner ni Brandon, kung saan nakasulat ang lahat ng itinerary niya, tapos ay seryoso akong nilingon . “And so? Ano na naman ang tumatakbo riyan sa isip mo?” Natawa ako sa itsura ni Ms. Cathy. “Wala lang. Iniisip ko lang, if ever, ako pala ang magiging una at official na girlfriend niya.” Pigil-pigil ko ang ngiti ko kay Ms. Cathy. Kung nanay ko siya o ate ko, malamang kanina pa niya ako nakurot. Pinaningkitan niya ako. “Stella…sinasabi ko sa’yo…” Doon na ako tuluyang natawa. “Joke lang! Napakaseryoso naman kasi.” Muli niya akong inirapan. May sasabihin sana siya pero biglang tumunog ang intercom na nasa harapan naming dalawa. Agad niya iyong pinindot. “Boss?” [“I am asking for my supposed-to-be itinerary for today. Where is it?”] Ni-loudspeaker kasi ni Ms. Cathay iyong intercom kaya rinig ko rin iyong sinabi ni Brandon. Matik na nagkatinginan kami ni Ms. Cathy. Oo nga pala. Nakalimutan na namin iyon ni Ms. Cathy, sa totoo lang dahil sa mga pinag-uusapan namin. “Nag–double check lang kami ni Stella. Papasok na ako riyan, boss.” [“No. Let Stella handle it. Paano matututo ‘yan? Or else, ipo-postpone mo muna ang wedding mo?”] Muli na naman kaming nagkatinginan ni Ms. Cathy. Bigla kong naramdaman ang kaba. Ngayon ko pa lang gagawin ito bilang isa sa mga task ko kapag wala si Ms. Cathy. Iniisip ko pa lang na tatayo ako sa harap ni Brandon ay nagbibigay na ng tensyon sa katawan ko. “Noted, boss.” Nang tapusin na ni Brandon ang tawag niya, hinarap ako ni Ms. Cathy, sabay abot sa akin nung planner. “So… good luck? Medyo masungit pa naman ang leon ngayon. Ramdam ko,” nakangiti pero may halong pananakot na sabi niya. “Ako pa ba, Ms. Cathy? Hindi niya kakayanin ang charm ko,” pabirong sagot ko. “Charm ha… baka bumaligtad ‘yan. Iyong charm ni boss ang hindi mo kayanin,” Hindi na ako sumagot kay Ms. Cathy. Pakiramdam ko kasi, tama siya. “Sige na. Pasok na dun. Baka mainip ‘yun, masungitan ka na naman,” sabi pa ni Ms. Cathy. “Oo nga,” sagot ko, at saka tumayo na at naglakad papunta sa kuwarto ni Brandon. Pero habang naglalakad ako, abot-abot ang kaba ko. ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD