CHAPTER 80 - MAY TOPAK NA, MAY REGLA PA

1844 Words

From: BH Will be there in 8 mins. Get ready. Napabuntong-hininga na lang ako. Ang kulit naman ni Brandon. Sinabi nang ayokong magpasundo ngayon sa pagpasok sa Verizon. Unang araw ko uli na pumasok pagkatapos ng pagkaka-confine ni Aira sa hospital at ang krimeng kinasangkutan ni Nikko. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa Verizon kapag nakita nila akong nakasakay sa sasakyan ni Brandon mamaya? “Aalis na ko, Aira, Nikko!” sigaw ko mula rito sa sala ng condominium na kinuha ng mga magulang namin para sa akin noon. Actually, hindi talaga ito iyong unit na kinuha nila. Studio-type lang iyon. Pero kailangan kong mag-upgrade para magkaroon ng dalawang kuwarto. Pinalabas ko na lang sa mga kapatid ko na ibinenta ko iyong unit namin at siya kong ipinangbayad ng downpayment sa tinutuluyan nam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD