Napasinghap na lang ako sabay sa panlalaki ng mga mata dahil sa pagkabigla. Awtomatiko na itinukod ko ang mga braso ko sa kanyang dibdib para itulak sana siya, pero kasabay din nito ay ang paglapat ng isang kamay niya sa likod ng ulo ko at ang isa naman ay sa likuran ko, kaya naipit lang ang mga kamay ko sa pagitan ng mga dibdib namin. Pero dahil aware akong nasa pampublikong lugar kami ngayon at nag-alala akong may makakita sa amin ni Brandon sa ganitong senaryo, tinangka ko pa ring itulak siya sa abot-lakas na makakaya ko. Sinubukan ko ring putulin ang halikan namin at iiwas ang mga labi ko pero lalo lang niyang idiniin ang kamay niyang nakahawak sa likod ng ulo ko at palalimin pa ang halik niya. Malamang sa ngayon ay sa sasakyan ni Brandon nakatingin ang mga tao sa labas. Sino ba

