CHAPTER 1
This is only a WORK OF FICTION. Names,characters,places and events are FICTIOUS, unless otherwise stated. Any resemblance to a real person, living or dead, or actual event is purely COINCIDENTAL.
ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author.
PLAGIARISM IS A SERIOUS CRIME
Arithrea’s Pov:
Sa kakahuyan ng Black Hollow, ang maliit na bayan na matatagpuan sa pinakatimog na bahagi ng kaharian ng Mageia, maririnig ang masiglang tawanan ng dalawang tao. Sumasaliw ang mga halakhak nila sa musikang nililikha ng kalikasan.
Arithrea’s laugh echoed throughout the entire forest. Kasama n'ya ang kasintahan na si Arthur sa pagtatampisaw sa ilog. Ang paliligo at paglalaro sa ilog ang naging pahinga nila mula sa paghahanap ng makakakain para sa mga susunod na araw.
“Arthur, basang-basa na tayo!” bulalas ko habang umiiwas sa pangbabasa ng kasintahan.
“Sige, titigil na ako. Baka magkasakit pa tayo nito,” sabi n'ya bago masuyong inalalayan ako paalis ng ilog. Sabay kaming umupo sa gilid ng isang malaking bato na malapit lang sa ilog.
“Oh, magpatuyo ka,” turan ni Arthur. Nakangiti pa s'ya nang ibigay sa akin ang tuwalya.
Gumanti ako ng ngiti at masiglang inabot ang tuwalya saka tinuyo ang sarili.
“Arthur, gusto kong ganito lang tayo lagi. Masaya at pagkain lang ang pinoproblema sa araw-araw,” seryosong wika ko habang pinagmamasdan ang kagandahan ng kalikasan. Berdeng-berde iyon at napakasarap tingnan.
“Ako rin,” sagot n'ya.
Napatingin ako sa kanya at ganoon din siya sa akin. Hindi na ako nakaiwas nang nakawan n'ya ako ng halik sa pisngi na ikinainit ng pisngi ko. Napahawak na lang ako sa pisngi kong hinalikan n'ya.
Sabay kaming napalingon sa may damuhan nang may kumaluskos doon. Umalerto kami sa pag-aakalang mula iyon sa mabangis na hayop. Kanina ko pa rin napapansin na tila nagkakagulo ang mga hayop sa kakahuyan at hindi namin alam kung bakit.
Lumapit si Arthur sa damuhan, hindi pa nga lang s'ya nakakalapit nang mula roon ay lumabas ang isang maliit na magical creature. Agad kong natukoy ang pagkakakilanlan ng maliit na nilalang, nagmula iyon sa lahi ng mga Arnaks.
Arnaks look exactly like unicorns, maliban sa makukulay nilang buntot.
Nilapitan ko ang nilalang at hinawakan, the little creature neighed cheerfully.
“Nasaan kaya ang nanay nito?” I asked, looking at Arthur. Masuyong hinaplos ko pa ang ulo ng maliit at napaka-cute na nilalang.
Ang mga Arnaks ay kilala bilang maamo at hindi nananakit ng kahit anong uri ng nilalang.
“Hindi ko alam. Samahan mo ako at tingnan natin ang paligid.”
Pagkatayo ko ay narinig namin ang isa pa, neighing in frustration. Tila nasaktan ang iyak niyon kaya mabilis naming tinungo ang pinanggalingan ng tunog samantalang masiglang sumabay sa amin ang batang Arnak.
Gumulantang sa amin ang isang Arnak na may kalakihan at hindi makagalaw dahil sa pagkakaipit sa kahoy. Agad na lumapit ang batang Arnak dito at inilapit nila ang mga ulo sa isa’t-isa na animo’y naglalambing. Kaagad kong naunawaan na mag-ina ang dalawang Arnak.
I looked at Arthur, tumango lang s'ya sa akin.
I started chanting.
“Kaze sōsei mahō fūjin no murasame!” I shouted.
May namuong hangin sa magkabilang gilid ko at mabilis na lumakas ang pag-ihip ng mga iyon. Ang namuong hangin ay naging wind blades. Mabilis na inutusan ko ang mga blades sa direksyon ng kahoy na umiipit sa Inang Arnak. Kaagad na nagkapira-piraso ang kahoy nang hindi nasasaktan ang nilalang na nakaipit doon.
Nang makalaya mula sa kahoy ay lumapit sa akin ang Arnak, iniyuko n'ya ang ulo na tila nagpapasalamat.
I smiled at ganoon na rin si Arthur.
Arthur is a pure human, walang espesyal na kakayahan o kapangyarihan habang ako naman ay may kakayahang kontrolin ang kapangyarihan ng elemento ng hangin.
Magik ang tawag sa mga katulad ko, mga taong biniyayaan ng kapangyarihang kontrolin ang mga elemento ng kalikasan.
Ang mga Magik ay may kakayahang kontrolin ang alinman sa mga elemento ng apoy, tubig, lupa, hangin at kidlat. Ang ordinaryong Magik tulad ko ay may kakayahan lamang na magpasunod ng isang elemento samantalang ang mga Magik na may mataas na antas ng kapangyarihan ay may kakayahang komontrol ng tatlo o higit pang mga elemento. At ang mga nilalang na nagtataglay ng ganoong uri ng kapangyarihan ay nabibilang lamang sa mga may dugong maharlika.
Dito sa Kaharian ng Mageia, sama-samang namumuhay ang mga katulad kong Magik, mga ordinaryong tao at mga kakaibang nilalang na pinamumunuan ng isang hari na kahit minsan ay hindi ko pa nakita dahil na rin sa layo ng bayang kinabibilangan ko mula sa pinakasentro ng kaharian.
Ulila ako at wala akong kahit anong kaalaman tungkol sa aking mga magulang at pinagmulan. Dito na ako lumaki sa bayan ng Black Hollow kung saan ay kasama kong naninirahan ang pamilya ni Arthur.
“Bumalik na tayo,” pahayag ni Arthur at hinawakan ang kamay ko.
Bumalik kami sa ilog para kunin ang mga iniwang gamit. Maayos na isinalansan namin sa kariton ang mga bagahe na may lamang pagkain para sa susunod na mga araw. Madami rin kaming nakuhang pagkain mula sa kakahuyan kaya pareho kaming nagagalak. May kaliitan nga lang ang ilang hayop na nahuli namin dahil na rin sa halos nagtago na ang iba habang ang ilang nakita namin ay tila takot na takot.
May kakaibang nangyayari sa pinakapusod ng kakahuyan, hindi ako sigurado ngunit ramdam ko iyon. Kanina ko pa nararamdaman iyon ngunit ipinagsawalang-bahala ko lamang iyon.
Magkatulong kami sa pagtutulak ng kariton habang naglalakad palabas ng kakahuyan. May isang oras at kalahati rin ang ginugol namin sa paglalakad bago tuluyang makalabas doon at makabalik sa Black Hollow.
Sa entrada pa lang ng bayan ay natanaw na namin ang mga magulang ni Arthur. Masaya nila kaming sinalubong at tinulungan.
“Anak at Treya, magpahinga muna kayo habang naglalakad. Kami na ang bahala rito sa mga dala n'yo." Pagtataboy sa amin ng ina ni Arthur.
Treya ang tawag sa akin ng ina ni Arthur at iyon na rin ang naging pagkakakilanlan ko sa buong bayan ng Black Hollow.
“Madami kayong naiuwi ngayong araw!” masayang bulalas ni Tatay Nando, ang ama ni Arthur. “Nakakatuwa naman at madami tayong maiimbak para sa ilang araw.”
“Pa, nababawasan na po ang bilang ng mga hayop sa gubat. Ano kaya ang nangyayari?” tanong naman ni Arthur sa kanyang ama.
“Hindi ko rin alam anak, siguro ay mawawala rin ang kaguluhan sa gubat pagkatapos ng ilang araw," sagot ni Tatay Nando pagkatapos ay nilingon ako. "Oh, Treya, puntahan mo na muna ang inyong Tiyo Krado sa bahay nila, may ibibigay daw s'ya sa atin."
“Sige po, Tatay,” tugon ko. Nilingon ko ang kasintahan. “Arthur, may dadaanan ka pa sa kaibigan mo, hindi ba? Sabay na lang tayo sa pag-uwi pagkagaling ko kay Tiyo Krado,” suhestyon ko pa.
“May gagawin lang ako, maiwan ko muna kayo.” Umalis na si Tatay Nando at si Mama Linda, bitbit ang mga nakuha naming pagkain mula sa kakahuyan.
Pagkaalis ng mga magulang ni Arthur ay hinarap n'ya ako. "Magkita na lang tayo sa simbahan pagkatapos mo,” sabi ni Arthur.
Tumango na lang ako at sabay na naming tinungo ang magkaibang direksyong tatahakin.
Tinungo ko ang direksyon ng kabukiran at kaagad kong nakita si Tiyo Krado. Nakaupo s'ya sa may balkonahe ng tahanan n'ya. Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit ay tinawag na n'ya ako.
“Treya!” masiglang bati n'ya at kumaway pa sa akin.