“Maupo ka na,” yaya sa akin ni Papa.
Kaagad akong tumalima at sinimulan na ni Papa ang pagdarasal. Matapos magdasal, masaya naming pinagsaluhan ang payak ngunit masarap na hapunan. Muli, habang kumakain ay nagkwentuhan kami na siyang kinasanayan na namin.
"Babalik po kami ni Arithrea bukas sa gubat para kumuha ng mga panggatong. Paubos na rin kasi ang imbak nating kahoy at malapit na ang taglamig," pahayag ni Arthur.
"Kagagaling n’yo lang doon. Ayaw n’yo bang magpahinga na muna?” tanong ng kanyang ama.
"Hindi po kasi namin nagawang dalhin lahat ng mga kailangan kaya ipagpapabukas namin iyon," segunda ko. Nag-aalala sila sa tuwing pumupunta kami sa kagubatan dahil na rin sa mga magical creatures na naninirahan doon.
"Kung ganoon ay mag-ingat na lang kayo. Huwag na huwag kayong magpapahapon dahil inimbitahan tayo ni Esther sa kaarawan ng kanyang ina,” imporma sa amin ni Mama.
Kaagad na bumaling ako kay Arthur. “Iyon ba ang dahilan kung bakit ka kinausap ni Esther kanina?”
“Ah… Oo, ‘yon na nga,” tila nauutal na sagot ni Arthur.
Natapos ang hapunan namin na may kakaiba akong naramdaman sa dibdib. Nagsimulang magligpit ng pinagkainan ang Mama ni Arthur.
"Oh s’ya, liligpitin ko na muna ang pinagkainan natin. Sa sala na kayong dalawa mag-usap," pahayag ng ina ni Arthur at tumayo na.
"Ako na po ang maghuhugas ng mga pinggan." prisinta ko ngunit tinanggihan n’ya ako.
"Huwag na. Ako na rito at maaga pa kayong babangon bukas," pagtataboy pa sa akin ng ina ni Arthur paalis ng kusina.
Wala akong nagawa kundi sundin ang