MATAPOS kumain ng tanghalian ay tinulungan niyang mag-impis ng kanilang pinagkainan si Ran. Ibinalik lang nito sa dala nitong basket ang mga ginamit nila sa tanghaliang iyon. Kapagkuwan ay naglakad siya papunta sa may pinaka-balkonahe ng kubo para magpahangin na rin at magpababa ng kaniyang kinain. Lumapit siya sa may nagsisilbing harang doon at kumapit sa pasamano. Hindi kailangan ng kahit na electric fan sa bahaging iyon dahil malamig ang singaw roon. Ganoon din ang mumunting hampas ng hangin sa balat. Nagdadala iyon ng malamig na pakiramdam. “Ano’ng tinatanaw mo riyan?” Nang tabihan siya ni Ran ay napatingin siya rito. Hindi man ito iyong tipo ng lalaki na palangiti, pero hindi na ganoon kaseryoso ang guwapong mukha nito. “Tinitingnan ko kung mayroong parating. Mahirap na, baka map

