Chapter 18

1724 Words

“PAANO BUKAS?” tanong pa ni Ran kay Ahtisa nang makalabas sila sa kubo. Uwian na. Hindi rin naman siya puwedeng magpaabot ng gabi sa daan. “Gusto mo pa ulit makipagkita? Hindi ka pa ba nagsasawa sa pagmumukha ko?” kunwa’y biro pa niya. “Buong linggo na tayong halos nagkikita, Ran.” “Ano naman? Baka nagsasawa ka na kaagad dito sa lugar na ito?” “Bakit? May alam ka pa ba na ibang lugar bukod dito?” “Marami.” “Kaso, baka mayroong makakita sa atin?” agap niya. “Hindi malabo ‘yon.” Mataman niyang pinagmasdan si Ran. “Hindi ka ba natatakot na baka may makakita sa atin?” Umiling si Ran. “Hindi naman. Ikaw ba?” Mas takot pala siya. “Takot ako,” amin niya kay Ran. Dahil takot siyang mabuko nito ang totoo niyang katauhan na gusto niyang itago rito. Hindi naman dahil gusto niyang itago na m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD