NI HINDI TINAPUNAN ng tingin ni Kieran si Bianca Tan, ang isa sa babaeng anak ni Governor Eric Tan. Ang bisita ng kaniyang Lolo Aurelio sa araw na iyon. “Kieran, right?” nakangiti pang wika ni Bianca kay Kieran nang lapitan pa siya nito. Ayaw sana niya itong pansinin, ngunit ang Lolo Aurelio niya ay pasimple pa siyang pinanglakihan ng mga mata. “Yes,” tipid lang niyang sagot bago tiningnan ang oras sa kaniyang relong pambisig. Lantaran niyang ipinakita na hindi siya interesado sa babae. Kung siya lamang ang masusunod, gusto na niyang umalis muna. Pero hindi naman siya hahayaan ng kaniyang Lolo Aurelio na umalis dahil sa mga nakaalerto nitong tauhan na tiyak niyang nakamata sa bawat kilos niya ng mga sandaling iyon. Dahil kung pipilitin niyang umalis, sigurado siyang pasusundan siya ng

