Chapter 20

1531 Words

NAPATULALA na lamang si Ahtisa sa pundilyo ng kaniyang suot na underwear nang makitang may mantiya roon na kulay pula. Dugo iyon. Kaya pala kakaiba ang pakiramdam niya dahil dadatnan siya ng kaniyang buwanang dalaw. Lalo siyang natigilan. “Nagkaroon ako,” anas pa niya. Ibig ba niyong sabihin, ni wala man lang nabuong baby sa tiyan niya? Malinaw iyon dahil mayroon siyang buwanang dalaw nang araw na iyon. Hindi niya iyon inaasahan. Buong akala niya, magbubunga ang ilang beses na may namagitan sa kanila ni Ran. Kung ganoon, bokya siya. Nang makabalik siya sa kama ay nanlalambot na naupo siya sa may gilid ng kama. Nayakap pa niya ang isang unan. Hindi naman puwedeng aalis siya sa San Roque na nakuha lang ni Ran ang iniingatan niyang puri at wala man lang itong napunla kahit isa sa kaniya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD