HANGGANG mag-dinner ay nasa bahay nina Ahtisa sina Kieran at ang Lolo Aurelio nito. At kapag kaharap nila ang dalawang matanda, napakakaswal lang kung sila ay mag-usap. Tahimik lang din kasi si Kieran na para bang sapat na lang dito na tingnan si Ahtisa kapag mayroong pagkakataon. At kahit maghapon pang nag-stay sina Kieran sa kanila, ramdam pa rin ni Ahtisa na para bang kay bilis lang matapos ng maghapon. Bitin para sa kaniya dahil hindi naman sila makapag-usap nang maayos ni Kieran. Pag-uusap na hindi kailangang itago na hindi sila close. “Bukas, baka gusto mong lumabas, hija?” bigla ay tanong pa ni Don Aurelio kay Ahtisa habang sila ay sabay-sabay na kumakain sa pahabang lamesa sa may komedor. Present din ang kaniyang pinsan na si Val sa dinner na iyon. “Bukas po?” ulit pa siya. “B

