DAHIL pass na muna si Ahtisa sa mga high heels shoes, kaya naman nagsuot lang siya ng sandals. Ang kulay blushing pink na mini dress na suot niya ay umabot ang haba hanggang sa may lampas tuhod niya. Nakalugay ang buhok niya na medyo c-in-url niya. Fresh lang din ang atake ng kaniyang makeup. Hindi naman siya a-attend ng party kaya hindi niya kinapalan. Nagwisik din siya sa kaniyang katawan ng pabango na tiyak niyang mapapalingon ang sinomang makakasinghot niyon. Pang-retouch at cellphone lang ang inilagay niya sa kaniyang sling bag at maliit na lalagyan ng pabango. Iyong kasya lang sa mga on the go na bag. Naglagay na rin siya ng isa niyang card. Just in case na kailanganin niya. “Señorita, pinasasabi po ni Donya Alejandra na nasa baba na po si Sir Kieran,” magalang pang inporma sa kan

