Chapter 14

1529 Words

BUONG akala ni Ahtisa, dederetso sila sa mismong ubasan ni Ran. Pero nasa kalahati pa lang sila ng daan papunta sa may ubasan nang iliko ni Ran ang pickup truck nito sa isang trail. Gusto sana niyang magtanong kung saan sila nito pupunta, pero nakikita naman niya sa mukha nito na hindi nito iyon sasagutin. Kaya naman tahimik na lang na nakaupo si Ahtisa sa may passenger seat at ninamnam ang dinadaanan nila. Ang trail na kanilang nilikuan kanina, kapag napapadaan siya roon ay palaisipan sa kaniya kung saan papunta ang daan na iyon. Ngayon, malalaman na niya kung saan nga ba iyon papunta. Maganda kasing pagmasdan ang maberdeng kapaligiran. Napakalayo sa nakasanayan niyang tanawin sa siyudad na kung hindi puro kabahayan ay puro nagtataasang gusali naman. Parang gusto niyang pagsisihan na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD