Chapter 13

1704 Words

NAMIMINTANA kinagabihan si Ahtisa sa may silid niya. Madilim sa labas, ngunit walang kaso sa kaniya. Kay layo rin naman kasi ng nararating ng kaniyang isip habang tulala sa kawalan. Kahit yata may dumaang paniki sa harapan niya ay hindi siya para magulat. Sobrang okupado ang isip niya sa namagitan sa kanilang dalawa ni Ran sa may kamalig. Hindi pa rin niya lubos maisip na ganoon siya kadaling bumigay sa binata. Samantalang ang napakaraming lalaki na naghangad sa kaniya, lalo na sa katawan niya, ni hindi man lang nakahawak sa kaniyang kamay. Pero si Ran, ibang klase. Maging ang puri niya, walang kahirap-hirap na naisuko niya rito. Oo, kasama iyon sa plano niya kay Ran. Ngunit para bang kay bilis ng mga pangyayari. Surreal, iyon ang kaniyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Parang b

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD