Chapter eighty JAO’S POV’S Nakakatuwa yung nangyari sa amin ni Margo, panibagong experience nanaman yun para sa akin basta kasama ko si Margo nakakagawa ako ng mga bagay na hindi ko naman nagagawa noong bata pa ako Kaso nga lang Si Lorkan Napansin ko na iba ang tono ng boses niya at ang tingin niya sa akin kanina parang kaaway, wala naman kaming ginawang masama ni Margo Kaibigan ko lang naman sya hanggang dun lang yun kaso napaglilihiman ko na si Lorkan na dati ay kasangga ko at napagsasabihan din ng mga problema Nakakakonsensya tuloy kahit na wala akong ginagawang mali Nandito rin ngayon sina Dean at Kino nang aasar sa akin dahil akala nila pumunta akong bar at nambabae Tsk Sawa na ako sa gawaing ganun kaya hindi ko na ginagawa at isa pa mas okay nga yung nangyari sa amin kag