HUMUGOT ako ng hangin pagkalabas ni sa portico at marahas iyong ibinuga. Kung wala lang kami sa tapat ng hapag at sa tapat ng mag-asawang Devilton ay talagang papatulan ko ang babaeng iyon. Napaka impakta! Ako pa ang hahamunin niya? Sa inasal niya halatang nagselos siya nang tabihan ko si Hades. Bakit ko nga ba naisipan na tabihan ang lalaking iyon? Muli akong nagbuga ng hangin at pilit na tinatanggal ang pagkainis na bumalot sa'kin kanina. "Alira, Hija?" boses ni Tita Celestine ang pumukaw sa akin. Nilingon ko siya. "Tita..." tipid na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya. "Pagpasensyahan mo na si Elli, may pagka-spoiled talaga ang batang 'yon," anito ng makalapit siya sa akin. Tipid ko siyang nginitian. "Ayos lang po 'yon, Tita," hindi kumbinsido na tumitig siya sa akin. "Alam kong hindi