"HOW old are you, Hija?" Mom asked Alira. Hindi mapalis sa mukha ng aking ina habang kinakausap nito si Alira. Kasalukuyan kaming nasa dining area at kumakain ng hapunan. "I'm eighteen, Tita." "Wow! You became an Alpha in that age?" hindi naman makapaniwalang tanong ni Hera. "Wala naman akong ibang choice kundi manahin ang iniwan nila Dad at Mom sa akin," sagot naman ni Alira. "Is it hard to be an Alpha?" si Hera ulit. Tipid na ngumiti si Alira kasabay ng pagtango niya. "Mahirap na masarap. Mahirap kasi pamumunuan mo ang nakararami at kailangan mo gampanan ng maayos ang pagiging Alpha para pagkatiwalaan nila ako tulad ng pagtitiwala at pagmamahal nila sa ama ko. Masaya naman kapag nagampanan ko ng maayos ang pack ko. Kaya kailangan kong maging malakas para magawa ko silang proteksyon