CHAPTER FIVE

3491 Words
ITINAKBO ko siya sa loob ng gubat at ibinaba siya sa nagkumpulang tuyong dahon sa paanan ng malaking puno kuwa'y hinubad ko ang aking t-shirt at marahan 'yong isinuot sa kanya. I shouldn't care for her, kahit ayaw kong gawin katawan ko na mismo ang kusang kumikilos para alalayan siya. Nagising siya at napahawak sa tagiliran niyang walang humpay sa pagdurugo. Natigilan ako nang mapatitig doon at hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napapalunok. Naipikit ko ang aking mga mata kasabay nang mabagal na pagsinghot. Ito na naman ang pakiramdam noong una ko siyang naamoy. Her blood smells like a flower. Masarap 'yon sa aking pangamoy. Lumalim na rin ng aking paghinga. Bakit ba ganito ang ipekto sa akin ng amoy niya? Nakawawala sa tamang pag-iisip. ¡Mierda! This can't be... Naikuyom ko ang aking kamao kuwa'y mabilis na tumayo at tinalikuran siya. Bakit ganito? Kasama sa pagsasanay ko ang pagkontrol sa sarili ko sa tuwing nakakaamoy ng dugo pero bakit pagdating sa kaniya ay hirap na hirap ako na kontrolin ang sarili ko sa amoy ng dugo niya? Hindi ako pwede manatili ng matagal na kasama siya dahil baka tuluyan akong makalimot. Pero bakit hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko palayo sa kan'ya? s**t! This is not good. Umihip ang hangin dahilan para lalong mangibabaw ang bangong amoy ng kanyang dugo. Nararamdaman ko na naninigas ang aking kalamnan na muling humarap sa kanya. "You s-stupid. Are you just going to stand t-there forever?" Ngiwing tanong nito na may iilang butil ng luha ang kumakawala sa kaniyang mga mata. Umiwas ako sa kaniya ng tingin at higit na humigpit ang pagkakakuyom ng aking mga kamao. "Son." Si Dad na tinapik ako sa balikat na nagpabalik sa aking katinuan. "Kami na ang bahala sa kaniya," sabi nito na akmang bubuhatin ang babae ay inawat ko siya sa braso. "Ako na." "Pero-" "Kaya ko na," giit ko. Sandaling nangunot ang noo nito bago ito umatras para mabuhat ko ang estranghera. Bahagya itong dumaing pagkaangat ko sa kaniya. "Sa hospital na lang tayo magkita," ani ko na mabilis na tinahak ang daan papunta sa hospital. "WHY are you bringing me here- sh*t!" Nangiwi ako nang muling kumirot ang tagiliran kong may tama ng bala. Ngayon lang ako nakaranas ng ganito at mabagal pa ang proseso ng paghilom ng sugat ko dahil hindi normal na bala ang ginamit sa akin na kailangan pang alisin para tuluyang maghilom ang sugat. Humanda talaga sa akin kung sino man ang may gawa nito! "Ako na ang bahala dito, Mr.Devilton," sabi ng doctor na hinarap si Hades. Akmang tatalikod ito nang pigilan ko siya sa kamay niya. "S-sandali! Iiwan mo ako dito?" I'm scared. "Tatanggalin lang nila ang bala sa tagiliran mo. Don't worry he's a trusted doctor and a lycan too," halatang may pagkainis sa boses nito. Bumaba ang mga mata nito sa kamay kong nakahawak sa kamay niya. "Ang kamay mo." Kung hindi lang talaga masakit ang tagiliran ko ay talagang sisinghalan ko siya. Dahil din sa kirot sa tagiliran ko ay napilitan akong bitawan siya. s**t! Habang tumatagal parang tinutunaw ng bala ang buong kalamnan ko. Firra is getting weak, I can't feel her right now at pakiramdam ko ako na lang ang pilit na lumalaban ngayon. Naramdaman ko na may tumusok sa braso ko at sa ilang sandali ay onti-onti akong nakakaramdam ng pagkaantok. Mukha ni Hades ang huli kong nasilayan bago ako tuluyang tangayin ng antok. "SHE will be ok hijo," agad na bungad sa akin ni Dad pagkalabas ko mula sa operating room. "Ella no es una lycan como tú, Papá." She's not a lycan like you Dad. Aniya. "Higit na mas mahina ang stamina nila pagdating sa gano'ng mga bagay. But I believe a hard headed person will survive in a situation like this." Isinuksok ko ang aking mga kamay sa bulsa ng aking pantalon. "But strong enough for a woman wolf." Si Beta Cage na nakatayo sa gilid ni Dad. "And I can't believe she's an Alpha," dagdag pa nito. Napatingin ako sa braso nito na ngayon ay wala ng bakas na sugat. Iba talaga kapag meron ng mate. "A female Alpha?" si Dad. Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. "Yeah." Naupo ako sa tabi niya at kinalso ang mga siko sa magkabila kong hita. "Iilang distrito lang ang kilala kong merong wolf pack, isa na doon ang Howling Point. Sila ang pinaka malapit na distrito dito sa Alta Montaña. Kilala ko ang dating Alpha at Luna ng WhiteFang pack," sabi ni Dad. "Ang sabi ng babaeng Alpha meron daw isang tao na basta na lang pumasok sa teritoryo niya. Ikaw ba Hades ang tinutukoy niya?" Si Beta Cage. Nangunot ang noo ni Dad. "Doon ka ba galing?" Nagbuga ako ng hangin. "It was just an accident Dad. I was fell from the cliff, at sa ilog ng Indigo Forest ako bumagsag kung saan nandoon siya para maligo," paliwanag ko na lalong ikinakunot ng noo nito. "Did you go back there to see the woman again? Don’t then tell me, the woman your Mother talking about is none other than the woman in that room?" Nagbuga ako ng hangin. "It's a long story and I don't want to talk about it," sabi ko na lang dahil ayoko na din pahabain pa ang usapan. Tumango nalang ito at humarap kay Cage. Nagbuga ng hangin si Dad. "Mabuti pang mauna na tayo." Tumayo na ito at sandaling bumaling sa akin. "Our mansion is open for a visitor, Son. Hindi ko akalain na sa tagal ng panahon ay makikita ko ang batang iyon." Tipid siyang ngumiti bago ako tapikin sa balikat at humakbang na ang mga ito paalis. Nang tuluyan ng naka-alis ang mga ito ay doon lang ako naka pag-isip ng maayos. Iniisip ko kung bakit gano'n ang naging epekto sa akin ng dugo nito. Noong unang sumalang ako sa pagsasanay natakam din ako sa dugo pero hindi humantong sa ganito. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga kuwa'y isinandal ko ang ulo ko sa ding-ding at mariin na pumikit. Ayoko nang maulit ito. Kaya sa oras na naging maayos na siya ay pababalikin ko siya sa distritong pinagmulan n'ya. Hindi ko hahayaang manatili pa siya dito nang matagal. HUMINGA ako nang malalim bago inilapat ang cellphone sa aking tenga. Inabot sa akin ito ng nurse nang magising ako, pinabibigay daw ni Hades sa akin.  I huffed. Pwede naman na siya ang mag-abot bakit ipapaabot pa niya? "Alpha!" Bahagya kong inilayo ang cellphone sa sigaw na 'yon ni Violet. "Pwede ba Violet, huwag kang sumigaw?" "Sorry Alpha. Okay lang ho ba kayo? Gusto niyo puntahan ka namin ni Tyler ngayon d'yan?" Sunod-sunod na tanong nito. I rolled my eyes. "I'm fine, my wound is totally fine so no need to come here." "Pero Alpha..." "Uuwi din ako kapag nagawa ko na ang pakay ko dito," narinig ko siyang bumuntong hininga. "Pero Alpha-" "Ikaw na muna ang bahala sa pack habang wala ako," ani ko bago ko pinutol ang tawag. And then the door to my hospital's room opened and Hades entered. Walang emosyon ang mukha na humakbang siya palapit sa akin. I blinked five times as I stared at him and his appearance. I could feel my heart going wild inside of my chest. His white hair suited him. Goodness... how could he be this handsome? Gusto kong tuktukan ang sarili ko dahil sa mga pumapasok sa aking isipan. He's wearing a brow t-shirt and a black leather jacket on top. Paired with blue skinny jeans and a pair black boots. He looked sexier in that outfit. Nag-iwas ako sa kanya ng tingin bago pa ako tuluyang matangay ng kahibangan ko, kuwa'y nagpakawala ng isang buntong hininga. "Anong nangyari dyan sa buhok mo? Kinulayan mo? Bagay sayo," hindi ko mapigilang komento. "Natural 'yan," walang emosyong sagot nito na hindi man lang nagpasalamat. Sana hindi ko na lang sinabi 'yon isipin pa nito na attracted ako sa kanya. Bakit hindi ba? Asik ng aking isipan. Napatingin ako sa paper bag na nilapag niya sa paanan ng hospital bed. "Nagpabili ako kay Hera ng damit mo at ng iba mo pang kailangan. Pwede ka nang umuwi ngayon dahil naghilom na ang sugat mo." Sino naman si Hera? Inismiran ko siya. "I know, you don't have to say it." I snapped. "Magbihis ka na at nang makabalik ka na sa lugar mo." Taas ang kilay na nilingon ko siya. "Pinapaalis mo na ako agad? Ganyan ba kayo tumanggap ng bisita rito sa lugar ninyo?" "You're not a visitor. Baka nakakalimutan mo na naghamok ka ng away? Kung hindi kita tinulungan siguradong pinaglalamayan ka na ngayon ng pack mo." Abat! Talagang lumamon ng kagaspangan ng ugali ang lalaking ito! "Huwag mo ng tangkain pa na mag-isip pa ng kahit na anong kalokohan. Now get dress and get the hell out of here," mariing sabi niya bago humakbang palabas ng hospital room. Nanggigigil talaga ako sa pag-uugali ng lalaking ito. Walang kasing bastos at kagaspangan ng pag-uugali. Inis na kinuha ko ang paper bag at pumasok sa banyo para maglinis ng katawan at magbihis. Pagkalabas ko ng hospital room sumalubong sa akin ang lalaking tinawag na Beta. "Inutusan ako ni Alpha na ihatid kita sa inyo," anito. "Kaya ko naman ang sarili ko," inis kong sabi. "Alpha insist. Ako ang malalagot 'dun kapag hinayaan kitang umuwi mag-isa." Nagbuga ako ng hangin. "Babayaran ko lang ang bills ko—" "Bayad na ang bills mo, binayaran na ni Hades. Hindi ba niya sinabi sa'yo?" Nakangising sabi niya. "Tara ihahatid na kita." Nauna siyang humakbang tska ko siya sinundan. Habang nasa daan kami pauwi sa Howling Point at nakamasid lang ako sa labas ng bintana. Pero naiinis pa rin ako sa impaktong Hades na iyon. Tiningnan ko ang Beta mula sa review mirror. "Can I ask you?" Saglit niya akong tiningnan mula sa salamin. "Depende sa itatanong mo." "I'm just curious. Bakit kulay puti ang buhok ni Hades at pula naman ang kulay ng mga mata niya?" "Hmm... Hindi ba niya sinabi sa'yo?" I rolled my eyes. "That's why I'm asking you." Natawa ito. "Mas maganda siguro kung si Hades ang tanungin mo tungkol dyan." Inis-miran ko siya. "Ganu'n ba talaga kagaspang ang ugali niya?" "Kung masama ang ugali ni Hades hindi ka na niya sana tinulungan kagabi. Ms. Alpha, do not base a person's behavior the way he talk." "Whatever!" Pinapangako ko na babalik ako sa Alta Montaña. HINDI pa man din natatapos ang isang lingo ay balak ko ulit bumalik sa Alta Montaña. Hindi ko magawang mag-focus sa pang-araw-araw kong ginagawa dahil ang isip ko ay nasa Alta Montaña. "Alpha, mag-iingat ka. Hanggat maaari huwag kang mag-hahamok ng away doon para hindi na maulit ang nangyari sa inyo doon," si Violet na sinundan ako kung nasaan ang aking big bike. Inis na nilingon ko siya. "Beta, hindi na ako bata." "Nag-aalala lang ho ako sa inyo." "Don't be. Don't worry, gagawin ko iyang mga bilin mo." "Mag-iingat kayo." "Salamat, Beta." Sumampa na ako sa big bike ko. "Babalik din ako agad," pagkasabi ko ni'yon ay pinatakbo ko na ang motor palayo sa lugar na iyon. PINATAY ko ang makina ng motor kuway hinubad ko ang suot kong helmet bago ako bumaba. Naglakad ako palapit sa tarangkahan pagkatapos ay kumatok. Ilang sandali ang lumipas bago may sumilip sa maliit na butas kuway nagbukas ang maliit na pinto ng gate. "Ikaw na naman?" Nababakas ko sa muka ng lalaking ito ang inis. Bakit hindi? Siya lang naman 'yong sinakal ko at binato ko sa pader. I raised my eyebrow. "Dito ba nakatira 'yung lalaking puti ang buhok?" "Bakit mo tinatanong?" I close my eyes trying to control my temper and when I open my eyes I give him a forced smile. Pwede naman kasi sagutin na lang ang tanong ko. "Gusto ko siyang makausap." "Ang alam ko pinapaalis ka na dito. Bakit nandito ka na naman?" Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang mga daliri ko. Inuubos ng isang ito ang pasensya ko. "Sabihin mo gusto ko siyang makausap." Kung hindi sasamain ka na sa'kin! "Hindi kamo ako aalis dito hanggat hindi ko siya nakakausap." Well, ang gusto ko talagang makausap ay ang Alpha ng Garrette. At siya ang gagamitin ko para makaharap ko ang Alpha. "Beta, nandito na naman 'yung troublemaker." Anito na sa hawak nitong walkie-talkie. Inikot ko lang ang mga mata ko sa tinawag nito sa'kin. "Sige Beta." Tumikhim ito. "Pumasok ka na daw." "Papapasukin din pala ako, pinatagal mo pa," inis na sumakay ako sa motor at binuhay ang ignition. Nang mabuksan na nito ang tarangkahan ay pinaharurot ko papasok ang motor. Hininto ko ang motor sa tapat ni Cage na naghihitay sa akin sa ilalim ng malaking puno. "Dito mo nalang iwanan yang motor mo," anito na nasa malumanay na boses, malayo kagabi kung kausapin niya ako. Muli kong pinatay ang makina at sumunod ng lakad sa kaniya. Ang iilang nakakasalubong ko ay napapahinto at tumitingin. Pilit kong iniignora 'yon pero sa totoo lang ayoko sa lahat ng tinitignan ako ng may pagsusuri. "Yung hummer nalang gamitin natin papunta sa mansion," anito na tinuro ang naghihintay na sasakyan. Kinunotan ko siya ng noo. Kung malayo pa pala bakit pinaiwan pa niya sa akin 'yung motor ko? Wala akong choice kundi ang sumakay nang pagbuksan niya ako ng pinto. Nang naka sakay na ako ay umikot ito sa driver's seat at agad na binuhay ang makina kuway pinaandar na iyon. "Tell me, Miss Alpha why are you really here? Si Hades ba talaga ang pakay mo rito?" Nilingon ko siya. Wala namang dahilan para magsinungaling ako. "Gusto kong makaharap ang Alpha ninyo. Well...gusto ko din makausap si Hades dahil naku-curious din ako sa pagkatao niya." Nangunot ang noo nito. "Kay Hades? Bakit naman?" Nagkibit ako ng balikat. "Parang meron sa kaniyang kakaiba." "Tulad ng?" "Buhok niya?" Bahagya akong nangiwi. "Nakita ko din kagabi na nagbago ang kulay ng mga mata niya. Its weard, dahil ngayon lang ako nakakita ng kulay pulang mata ng isang Lycan. Isa pa, noong nasa Howling Point siya itim ang mga buhok niya at hindi ko naamoy sa kanya ang pagiging isang Lycan," ngayon ko lang din 'yon napansin. Tumikhim ito. Hindi ko alam ha? Pero ramdam ko na meron itong hindi masabi. "Nandito na tayo." Anito na sandaling huminto. Awtomatikong bumukas mag-isa ang tarangkahan at muli nitong pinaandar ang sasakyan hanggang sa huminto ang sasakyan sa tapat ng malaking bahay. Hindi nalalayo ang laki ng bahay ko sa bahay na ito. Bumaba ito at umikot sa gawi ko para pagbuksan ako ng pinto pero hindi ko na siya hinintay at kusa na akong bumba. "Magandang hapon, Cage," bati ng isang matandang babae. "Magandang hapon din ho, Nana Maria. May bisita ho sila Alpha," si Cage. Naguguluhan ako. Dito din ba nakatira si Hades? "Sige ako na ang bahala sa kaniya." anito na tumingin sa akin. "Halika hija." Iginiya niya ako papasok sa loob at dinala sa malaking sala ng mansion. "Maiwan muna kita, tatawagin ko lang sila Luna at Alpha," sabi nito na tinanguan ko nalang. Nang mawala na ito sa paningin ko ay inilibot ko ang mga mata ko sa kabuohan ng sala hanggang sa natutok ang mga mata ko sa malaking family picture na naka sabit sa sentro ng sala. It's a beautiful family picture. Nababakas mo sa mag-asawa kung gaano nila kamahal ng isa't isa. Sila ang Alpha at Luna ng Garrette. Nakikita din sa kanila kung gaano sila kasaya sa tatlo nilang anak. Pero napukaw ng mga mata ko ang batang lalaki na nasa tabi ng Luna. Siya kasi ang tanging puti ang buhok. Hindi kaya si Hades ang batang nasa litrato dahil kamuka din niya ang bata. Kung siya man ito, ibig sabihin anak siya ng Alpha? Napa simangot ako dahil sa kanilang lahat ito lang ang hindi naka ngiti. Bigla ako inatake ng lungkot. Hindi ko maiwasang maalala at mamiss sila. "Dad, Mom, I miss you so much." anas ko. Mabilis kong pinahid ang luhang tumakas sa mga mata ko. Matagal ko ng tinago ang kahinaan ko pero sa tuwing naaalala ko sila ay kusang lumalambot ang puso ko at nagiging iyakin ako. Buntong hiningang mauupo na sana ako nang isang pamilyar na baritonong boses ang nagsalita mula sa'king likuran. "Why the hell are you here?" NADILAT ko ang mga mata ko nang makaramdam ako ng ibang presensya sa loob ng bahay. Kilala ko ang presensya na iyon hindi ako maaaring magkamali. But why the hell she's here again? May katigasan talaga ang ulo ng isang 'yon! Bumangon ako at tinanggal ang headset kuway malalaking hakbang na lumabas ako ng kwarto pero nasa bungad palang ako ng hagdanan nang mapahinto ako. Humakbang ako ng bahagya at nakita ko siyang nakatayo habang nakatitig sa family picture namin. "Dad, Mom...I miss you so much," nakita ko ang pagpatak ng mga luha niya pero mabilis din niya iyong tinuyo kuway marahas na nagpakawala ng isang buntong hininga. Bumaba ako ng hagdanan. "Why the hell are you here?" Hindi na dapat siya bumalik pa rito. Sinigurado kong malayo ang pagitan naming dalawa nang makababa ako. Agad na naka arko ang isang kilay niya nang lingunin niya ako. "So, your father is an Alpha?" I buried my hands with my pocket. "So?" "Why you're here again? Hindi ba pinabalik na kita sa Howling Point?" I said annoyingly. She gave me a irritated look. "Aalis ako dito kapag nagawa ko na ang pakay ko." "Pakay mo? Hindi ba kaya ka nandito dahil sa pagpasok ko sa teritoryo mo?" "Gano'n na nga." "Nanggulo ka din dito sa teritoryo ko, so now we're even. Pwede ka ng umalis." "That's not a proper way talking to our guest, Honey," sabay kaming napabaling kay Mom habang nasa tabi nito si Dad na naka akbay sa kaniya. "Hi, Hija." Bati nito na huminto sa tapat naming dalawa. "You are?" Si Mom. Sandaling tinitigan nito si Mom bago sumagot. "Alira Kenta, from Howling Point." Pagpapakilala nito. Ngayon ko lang din nalaman ang pangalan niya. Mom's smiled. "I'm Celestine Hart Devilton." Inilahad ni Mom ang kamay sa harap ni Alira at agad din naman nito 'yon tinaggap. "And this is my husband, Scoth Devilton." Pagpapakilala din nito kay Dad na hindi pa binibitawan ang kamay ni Alira. "Nice to meet you, Hija," tsaka binitawan ni Mom ang kamay nito. "Nice to meet you too," sagot naman ni Alira. "It's nice to see you again, Hija," si Dad. "Her surname is so familiar, Honey," baling ni Mom kay Dad. "She's the daughter of Akira and Aleca Kenta," sagot ni Dad. "Y-you know my parents?" "Hindi lang kilala Hija, your parents were one of my great friends. They're also one of the most admirable leaders when they're still alive. Hinahangaan ko sila dahil sa dedikasyon nilang proteksyonan hindi lang ang teritoryo ng WhiteFang kundi ang buong mundo. Sa maikling panahon na nakasama ko sila sa alyansa ay marami akong natutunan sa kanila, mula sa pagkakaibigan hanggang sa pamilya. Ginawa nila ang lahat para protektahan ang isa't isa," mahabang salaysay ni Dad. Humakbang si Dad palapit kay Alira at hinawakan ito sa balikat. "I felt devastated about their unfortunate death. Kung nagawa ko lang sana silang iligtas...I'm sorry, Hija." Nakita ko ang paglungkot ng mukha ni Alira. Mapait itong ngumiti, halatang pinipigilan nito ang maiyak. "It's not your fault, Mr.Devilton." Mapait na ngumiti si Dad. "Aleca and Akira loves you so much. I still remember what your Mom told me before the fight. I think there's a reason why we meet again, to tell you this." Nagbuga muna ng hangin si Dad bago ito nagpatuloy. "Akira told me, if they end up dying at the end of the war, they knew that you will never disappoint them. you're strong even if you're not aware of it." Hindi ito nagtagumpay sa pagpigil sa mga luha nito dahil isa-isa na iyong pumatak. But f**k! Wala dapat akong pakialam rito pero bakit ganito na lang ang nararamdaman kong lungkot para sa kaniya? Natigilan ako nang matamis na ngumit si Alira. Sandali kong nasilayan ang maganda niyang ngiti. "Kung nabubuhay sila tiyak masaya din sila katulad ninyo." "Kung buhay sila ngayon, tiyak na proud sila sayo. Whitefang is in the good hands," si Dad. Humakbang palapit si Mom kay Alira at hinawakan ang magkabilang kamay nito. "Nasisiguro kong masaya sila kung nasaan man sila ngayon at dahil nasa mabuti ka. Anyway, welcome to Garrette hija." "Salamat Mrs. Devilton." "You can call me Tita." "Ok, T-tita."  "Kung may plano kang magtagal dito, bukas ng tahanan namin para sa'yo. You can stay here as long as you want. Ituring mo na kaming pangalawang pamilya at pangalawang tahanan mo ang Garrette," si Dad. Nanlaki ang mga mata ko na napatitig kay Dad. "What—" Tumaas ang isang daliri ni Mom para pigilan ako. "Be nice, Son," Mom said thru her mind.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD