SA MGA araw nga na lumipas ay hindi naging madali para sa akin ang pagbubuntis ko. Habang tumatagal ay hinihigop nito ang lakas ko. Naging mapili na rin ako sa pagkain, kung kakain man ako ay agad ko rin iyong isinusuka na parang ayaw tanggapin ng anak namin ang bawat pagkain na kinakain ko kaya kapansin-pansin na rin ang pangangayayat ko. Umalis ako mula sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto ko. Nasa bungad pa lang ako ng hagdanan ay naririnig ko na ang pag-uusap nila Hades, Tita Celestine at ni Hera. "I'm worried of Alira, Mom. Lahat na lang ng kinakain niya ay isinusuka niya," narinig kong sabi ni Hades. "Nanghina rin ako noon pero hindi naman umabot sa ganiyan. Kailangan ko lang ng lakas na magmumula sa isang Alpha para mapunan ang lakas na kailangan ninyong magkakapatid," si Tita Ce