KASALUKUYAN akong nasa portico habang nakatanaw sa malawak na kagubatan na unti-onti nang nilalamon ng dilim. Hindi ko alam kung ilang beses na akong nagpapakawala ng buntong-hininga. Hanggang ngayon hindi maalis sa isip ko ang sinabi sa kanina ng aking abuela at magpasanghanggang ngayon ay dala-dala ko ang pangamba sa aking puso. Hindi ko gustong matuloy ang batang nasa sinapupunan ngayon ni Alira dahil ayokong mahirapan si Alira at ang magiging anak namin sa kaniyang paglaki. Ayokong maranasan nito ang naranasan kong paghihirap, pero ang kinakatakutan ko ay nangyari na. Hindi ako nagsisisi na may nangyari sa amin ni Alira, actually masaya ako dahil ako ang unang lalaki sa buhay ni Alira at pinagmamalaki ko iyon. "You want some?" napatingin ako sa basong naglalaman ng alak na inabot n