CHAPTER ONE

2153 Words
KUSANG nagmulat ang aking mga mata nang marinig ko ang pag-uusap ng aking ina at ni Hera mula sa kusina. Ito ang ika-limang araw ko rito sa Garrette pero mukhang hindi pa rin ako na sasanay. I miss my life in Faramis, silent and so peaceful. "I told you Mimi, hindi magugustuhan ni Hades ang ihahain mo." It's Hera. "Why not? Ito ang paborito niyang ulam noong bata pa siya," "Hades is not the same as before. Hindi na niya ginagawa 'yung gawain niya noon. Hindi na rin niya kinakain 'yung mga paborito niya ngayon," giit ni Hera. Hera is right. Mula ng tumira ako sa Faramis ay binago ko kung ano ang mga nakasanayan ko noon, sa pamamagitan kasi ni'yun ay hindi ko sila masyadong naiisip at hindi ko nararamdaman na malayo ako sa kanila. Natuto ako na walang ibang sinasandalan kundi tanging sarili ko lang. Noon hinihiling kong dalawin ako ng aking ina at si Hera sa tuwing hindi ko pa magawang makontrol ang aking sarili sa tuwing hindi ko mapigilan ang aking sarili na uminom ng dugo, but they never did. Hindi sa hindi ko tanggap ang aking pagakatao natatakot lang ako na baka balang araw iwan ako ng taong mahal ko dahil sa pagkatao na meron ako. Masasabi kong kaya ko nang kontrolin ang aking sarili pero papaano kung dumating ang araw na kakailanganin ko din uminom ng dugo dahil bilang isang bampira 'yun din ang magsisilbing lakas ko. Nagbuga ako ng hangin kuway ay tumayo. Dumiretso ako sa banyo para maligo at nang matapos ay lumabas na ako at bumaba para puntahan sila Hera at ang aking ina na hindi pa rin tumitigil sa pagtatalo nila. Naabutan ko sila sa kusina na may kanya-kanyang niluluto. Sabay silang nag-angat ng tingin sa akin nang mapansin nila ang aking presensya. "Hi, Honey," Mom greeted me. "Twin," si Hera na muling naghalo ng pang pancake nito. "How's your sleep, Honey?" walang araw na hindi 'yon tinatanong ni Mom. "Comfortable, but I'm still missing my room in Faramis," pag-amin ko. Sa tingin ko hind ko kailangan magsinungaling pero sa sinabi ko ay sandaling natigilan si Mom. "Masasanay ka din, anak. Anyway, niluto ko ang paborito mong ulam noon, I'm sure namimiss mo na itong kainin ngayon," anito na lumawak na ang ngiti niya. Lihim akong nagbuntong hininga. Hindi ko kailangan mag-isip ng kung ano sa ngayon dahil ang mahalaga kasama ko na ulit sila at sa tingin ko ito na ang tamang panahon para magsimula ulit na mamuhay na kasama nila. Bakit hindi ko subukang mapalapit sa kanila? "Tulungan ko na kayo." Sabi ko na dinampot ang kutsilyo para hiwain ang sibuyas. Nahinto ako nang makita ko si Mom na nagsalin ng pulang likido sa baso. Hindi ako inosente para hindi ko malaman kung ano 'yon dahil amoy na amoy ko ang malansa niyong amoy. "You drink blood?" Hindi ko mapigilang itanong. Hindi ko pa siya nakikitang umiinom noon ng dugo kaya hindi lang ako makapaniwala ngayon. "I'm na vampire son, I need this," Anito na sinimsim ang laman ng baso. Muli akong nagbuga ng hangin. I will never drink blood and I don't need blood to make me strong and still alive. Pangako ko na 'yan sa sarili ko. Para saan pa ang paghihirap at sakripisyo na inilaan ko ng maraming taon sa Faramis? "Can I join you guys?" lahat kami napahinto sa ginagawa nang pumasok si Dad sa kusina. "Sure, Darlin," Kinindatan ni Mom si Dad. Lumapit ang aking ama sa aking ina at niyakap niya ito mula sa likuran. "Kamusta ang Almenia?" Mom asked. "Okay naman sa ngayon, pero kailangan lang maging maingat dahil dumadami ang mga level E, na nakakapasok sa Almenia kaya todo bantay ang pack ni Stone." "Kung kaya ko lang sila kausapin, pero hindi ko magagawa dahil masyado na silang nahayok sa dugo ng mga tao at ng mga lycan." sabi ni mom na ikinakunot ng noo ko. "Anong level E?" singit ko sa kanila. "Means execute. Isang uri ng bampira na hindi na kayang kontrolin ang mga sarili nila dahil sa pag-inom ng dugo ng mga Lycan," Dad answered my question. "Hindi kasi nakakabuti sa mga bampira na inumin ang dugo ng mga taong lobo, kumbaga para sa mga katulad nating bampira isa 'yung lason sa ating katawan na unti-onting nakakasira sa atin. Yes, masarap ang dugo nila pero hindi maganda ang naidudulot niyon. Kapag nasobrahan sila sa pag-inom ng mga dugo ng taong lobo, they will become level E." mahabang eksplinasyon ni Mom. "Dugo ng ano ang iniinom mo?" tanong ko na naka tingin sa hawag nitong baso. "Dugo ng tao, sa mismong blood bank kami bumibili," nginitian niya ako. "don't worry son, safe na uminom ng dugo na nanggaling sa tao." ahe added. Tumango tango nalang ako at hindi na nagtanong pa. Hinawakan niya ako sa kamay at tipid na ngumiti. Tiim ang bagang na pinagpatuloy ko ang paghihiwa ng sibuyas. Ayokong saktan ang damdamin niya kaya hindi ko na lang sinabi kung ano ang nasa loob ko. She's my mother and I love her the way she is. "By the way son." ang aking ama. Nagtaas ako sa kanya ng tingin. "Ngayong nandito ka na, pwede mo na siguro umpisahan ang pagsasanay para humalili sa'kin bilang isang Alpha," sabi niya na may kislap sa kanyang mga mata. Humigpit ang hawak ko sa handle ng kutsilyo. "Really Darling? Hindi ba masyadong maaga?" Si Mom. "Walang maaga Love. Nasa edad niya ako nang maging Alpha ng Garrette." "Excited 'yon Twin! Kung gusto mo samahan kita sa practice mo?" galak na sabi ni Hera. Nangiti na rin si mom pero kailangan kong putulin kung ano man ang nararamdaman nila ngayon, dahil wala akong balak na maging Alpha ng Garrette. "I'm a Vampire," walang emosyong sabi ko. Natigilan si mom gano'n din si dad at Hera na parang may mali sa sinabi ko. "Vampires can't be an Alpha....and I don't want to be like you," Binitawan ko ang hawak kong kutsilyo at buong tapang na sinalubong ang tingin ng aking ama. "I don't want to follow your footsteps and I will never be like you. Sana tinanong mo muna ako kung gusto ko ba?" "Hades!" si Hera. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at marahas na nagbuntong hininga. Hindi tama na makaramdam ako ng galit, 'yun ang kabilin-bilinan ni Heves sa'kin. "Hades, you are my son. It doesn't matter if you are a va-" "It does!" agap ko kasabay ng pagdilat ng aking mga mata na ngayon ay kulay pula na. "You don't know what I've been through. Nasaan ka noong panahong kailan ka namin? Noong panahong tinatapakan ang pagkatao namin? Wala ka, kaya huwag mong sabihin na balewala kung isa akong bampira because you're not in my shoe!" "S-son..." Akmang hahawakan ako ni Mom pero mabilis akong umiwas kasabay ng aking pag-iling. "Nandyan naman si Leon, sigurado akong magiging mabuting Alpha siya," ani ko bago ko sila tinalikuran. HABANG tumatakbo ako sa gubat nandoon pa rin ang bigat ng nararamdaman ko. Ang galit na kinimkim ko sa mahabang panahon ay biglang lumitaw kanina, at kahit na anong gawin ko ay hindi ko ito magawang pigilan na para bang ano mang sandali ay sasabog iyon. Mabilis akong tumakbo hanggang sa huminto ako sa dulo ng gubat kung nasaan ang bangin na nagpuputol mula sa ibang distrito kung ano ay hindi ko alam. Mariin kong kinuyom ang mga kamao ko at malakas na sumigaw. Ibinuhos ko ang lahat ng galit at sama ng loob na lumalamon sa akin ngayon. Kasabay ng pagsigaw ko ay ang paglandas ng mga luha sa aking pisngi. Sa lakas ng sigaw ko na 'yon ay sabay-sabay na nagliparan ang mga ibon na naka dapo sa sanga ng mga puno. Hindi dapat ako makaramdam ng galit sa pamilya ko, pero hindi ko mapigilan ang damdamin kong makaramdam ng galit sa kanila. "Hades," Nakita ko sa aking sulok ang pagdating ni Hera. "Kung sinundan mo ako para pagsabihan mabuti pang umalis ka na," mariin kong sabi. "Wala akong balak na gawin 'yun, but let me say this. Masaya kaming lahat nang sabihin ni Heves na pwede ka na namin makasama, hindi mo alam kung gaano namin pinakahihintay ang araw na ito, Hades, kaya sana naman buksan mo ang puso mo para sa amin," Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Gusto kong tanggapin lahat ng mga sinabi ni Hera sa'kin, pero hindi ko magawa.  "Kung hindi mo magawang tanggapin ang pamilya mo, sana kahit pakitang tao lang alang-ala kay mom," dagdag niya bago ako iniwan. Shit! Mariin kong hinilamos ang aking mukha. Kitang kita ko kanina ang lungkot sa mukha ng aking ina habang sinabi ko ang mga katagang 'yun sa aking ama. Alang ala kay mom... muling umecho sa isip ko ang sinabing iyon ni Hera. Susubukan ko alang ala sa aking ina. PAGKABALIK ko sa mansyon, naabutan ko ang aking ina na abala sa pagdidilig nito sa kanyang mga bulaklak. Naririnig kong kinakausap niya ito at kinakamusta. Hindi pa rin nagbago ang pagkahilig nito sa mga halaman. Humakbang ako palapit sa kanya. Nagkatinginan kami at naghihintay na merong magsalita sa aming dalawa. I should say sorry, pero hindi ko 'yun magawang sabihin man lang. Tipid niya akong nginitian. "Kung hihingi ka ng pasensya sa mga nasabi mo kanina, ayos lang 'yun naiintindihan kita." Sinapo niya ang aking mukha. "Alam namin na nag aadjust ka pa sa pagbalik mo, pero heto't binigla ka ng iyong ama. Ako na ang humihingi ng pasensya para sa daddy mo, marahin masaya lang siya dahil buo na ulit ang pamilya natin," Nagbuga ako ng hangin. "Sinusubukan kong mag-adjust, pero hindi ganun kadali 'yun," "It's okay, Son, paunti-onti masasanay ka rin basta lagi mong tatandaan na pamilya mo kami kahit na anong mangyari at mahal ka namin," Gustong maniwala ng puso ko, pero nagdadalawang isip naman ang isip ko. Hindi ko alam kung totoo ba 'yun o isa lamang kasinungalingan? Mapait siyang ngumiti. "It's okay, don't push your self. Pumasok ka na sa loob hinihintay ka ni Eli." Anito na muling diniligan ang mga halaman. Hindi na ako nagsalita pa. Humakbang ako papasok sa mansyon, naabutan ko si Eli na kausap si Hera sa sala. "Hades!" Tumayo si Eli, agad akong nilapit at sinalubong ng yakap. I want to hug her back, pero imbis na gawin 'yun ay marahan ko siyang inilayo mula sa'kin. I don't want to attach to anyone anymore. "Why are you here?" I asked her coldly. "I-I just..." nahihiya siyang yumuko. "Nandito siya para sabihing sabay-sabay na tayong tatlo na mag enrole sa Westside University bukas," si Hera. "Mag-enrole?" kunot noong tanong ko. "Oo, wala ka bang balak mag-aral?" "I use to study at home," "Then it's time for you to give it a try to study at school, it's more fun than to study alone," suhestyon ni Hera. "Okay." kibit balikat na sagot ko. Ayaw ko na lang din mahabain pa ang usapan. Isa pa tama ito, bakit hindi nga niya subukan gawin ang mga bagay na hindi niya nakasanayan. "Yey! I promise you'll enjoy it," naka ngising sabi ni Hera. Ramdam ko ang tuwang nararamdaman niya. I hope so, ani ko sa aking isipan. KINABUKASAN nga ay maaga kaming nagtungo sa Westside para mag take ng entrance exam. Pagkatapos ay inaya kami ni Zielissa na pumunta sa palasyo nito, tumanggi ako pero pinilit si Hera kaya wala na rin akong nagawa kundi ang sumama. "Ang gwapong binata mo na, Hades," puno ng kagalakang sabi ng ina ni Zielissa. Kung hindi ako nagkakamali Yleen ang kanyang pangalan. "Dati ang liit-liit mo pa noong nilalaro mo ang anak kong si Eli. Sigurado akong matutuwa si Zack kapag nakita ka niya— oh! He's here." Tumayo ito para salubungin ang Alpha. "Uncle Zack," lumapit dito si Hera para makipagbeso. Napalis ang ngiti nito nang makita niya ako. Hindi na ako magtataka, alam ko naman noon pa na hindi niya ako gusto dahil isa akong bampira. "It's nice to see you again, Hades," anito, pero kabaliktaran 'yun ng sinasabi ng isip niya. "Same to you, even you're not really happy to see me again," prangka kong sabi. "Hades!" hinawakan ako ni Hera sa braso. "We should go, Hera. Hindi ko kailangan makipagplastikan sa taong ayaw sa akin." sabi ko na walang paalam na tinalikuran ang mga ito. "Hades, you shouldn't say that!" si Hera na sinundan siya. "Totoo naman ang sinabi ko," Galit na pinigilan niya ako sa braso. "Kahit na! Mom never taught us to be rude!" singhal niya sa'kin, Inagaw ko ang brasong hawak niya at taimtim siyang tiningnan sa mga mata. "Hindi nga, at wala akong pakialam 'dun! Kung gusto mong maging maayos tayo Hera, wag mo akong pilitin sa bagay na ayaw ko." sabi ko at iniwan na ito. Hindi ako nagpakahirap sa Faramis para lang i-please ang ibang tao. Nagpakatatag ako para sa sarili, sa sarili ko lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD