CHAPTER TWO

2110 Words
"OKAY, isang malakas na suntok, Alira!" sigaw ng beta kong si Violet habang nasa likod ito at mahigpit na hawak ang punching bag. Hinakbang ko paatras ang kanang paa ko, binigyan ko ng buwelo ang kanang kamay ko at binuhos doon ang lahat ng aking lakas bago ko 'yun isinuntok sa punching bag. "Sh*t!" ungol ni Violet na naalis sa dati nitong kinatatayuan dahil sa lakas ng impact ng suntok ko. Nabutas at umusok naman ang punching bag. "Are you okay?" ngiwing tanong ko sa kanya. "I'm okay, Alpha." Sabi nito na pinagpagan ang namumulang kamay. "Habang tumatagal mas lalong nag-iimprove ang bawat atake mo," nahihimigan ko ang saya sa boses niya. "Dahil 'din 'yan sa tulong mo, Violet. Thank you." hinubad niya ang gloves at inilapag sa lamesa. Kinuha ko ang bottle water at agad na ininom ang laman ni'yon. "May plano ka bang gawin ngayon, Alpha?" maya'y tanong niya. Saglit akong nag-isip kung may dapat ba akong gawin ngayong araw bukod sa pag-eensayo, pero wala. "Wala naman," nakangiti kong sagot. Pero gusto kong maligo sa ilog ng Indigo Forest, pwede naman diba?" Mabilis itong tumango. "Gusto mo bang samahan kita Alpha?" "Hindi na, Violet, kaya ko naman ang sarili ko, isa pa mas magandang maiwan ka rito habang wala ako." Inabot ko sa kanya ang bottled water. "Ikaw na lang ang mag-uwi ng mga gamit ko sa pack house, didiretso na ako sa Indigo Forest para maligo," Kinuha ko ang susi ng big bike na minana ko mula sa aking ina na si Akira. Naalala ko pa kung gaano ka-cool ang aking ina habang minamaneho ang big bike niya. My Mother is really cool in everything she does. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng lungkot ngayong naalala ko siya. "Alpha, are you okay?" untag sa akin ni Violet nang mapansin niyang napatulala ako. Lihim akong nagbuntong-hininga para mawala ang bigat sa dibdib ko at pilit siyang nginitian. "Yeah, I'm fine. See you later, Beta," paalam ko pagkatapos ay humakbang na palabas ng gym. Pagkasakay ko sa big bike ay agad ko 'yung binuhay at mabilis na pinatakbo papunta sa Indigo Forest. Inihinto ko ang motor hindi kalayuan sa ilog at pagkatapos ay nagtungo ako sa malaking bato at isa-isa kong hinubad ang suot kong damit, wala akong tinira ni isa. Tiwala naman kasi ako na walang nagpupunta rito ng ganitong mga oras. Hindi ko mapigilang mapasinghap nang maramdaman ko ang lamig ng tubig nang ilubog ko ang aking katawan sa ilog. Marahan akong napapikit nang makaramdam ako ng kaginhawaan. Isang linggong walang ibang pwedeng gawin kundi ang mag-ensayo. Obligasyon ko bilang bagong Alpha ang magpalakas para sa Whitefang pack na ipinamanasa sa akin ng aking ama na si Aleca Kenta. Isa pa, ayokong bigyan ng disappointment ang taong naniwala at umaasa sa'kin ngayon. Ayoko rin masira ang pangalan ng aking ama kaya bawat galaw ko pinag-iisipan at sinisigurado ko munang tama bago ko gawin. Mayroon akong isang buong araw para gawin ang gusto kong gawin bago ako bumalik sa pag-eensayo at gawin ang mga obligasyon ko sa pack. When my parents died, inobliga na akong mag-ensayo at makipaglaban. Naaalala ko pa sa tuwing nagkakaroon ng laban ang Whitefang pack sa ibang pack na gustong sakupin ang pack ng aking mga magulang ay sumasama ako sa labanan kahit pa ilang beses na akong muntikang mamatay. Mula kasi nang malaman ng ibang bayan o malapit na distrito ang kinamatay ng aking mga magulang ay sunod-sunod ang pagsugod ng ibang pack sa Whitefang pack. Laking pasalamat ko lang din sa pinsan kong si Yesha Reese at sa BloodyPaws pack na walang sawang tumutulong sa akin at sa pack sa tuwing nalalagay kami sa kapahamakan. Mapalad akong ngumiti nang bigla kong na-miss ang pinsan ko. "Kumusta na kaya si Yesha?" bigla kong natanong sa'king sarili. Sisiguraduhin kong madadalaw ko siya ngayong araw. PAGKA-UWI ko sa pack house ay nagpasya ulit akong magtungo sa gubat para maibsan ang nararamdaman kong galit sa dibdib. Ito ang paraan ko para pakalmahin ang aking sarili. Wala akong pakialam kung tuluyang man akong maging pangit sa paningin ni Zack  Beaumont tutal ganun naman talaga ang tingin niya sa'kin noon pa. I don't live to please someone, bumalik ako rito para sa pamilya ko hindi para sa ibang tao. Nang mapansin kong malayo na ako sa pack house binagalan ko na ang paglakad ko at nagmasid-masid sa paligid. Ngayon lang ako nakapunta sa bahaging ito ng Garrette. Sa tingin ko ito na ang dulo at karugtong sa kabilang bahagi ng bayan. Malakas akong nagbuntong-hininga na para bang inaalis ko ang bara sa aking dibdib. Ilang beses ko pang ginawa 'yun para tuluyang pakalmahin ang aking sarili, nang ramdam ko na ang pagkalma sa sistema ko ay nagpasya na akong bunalik sa pack house. Akmang ihahakbang ko na ang aking mga paa ay biglang umihip ang malakas na hangin. Kusang tumigil ang katawan ko sa paggalaw nang malanghap ko ang nakakahalimuyak na amoy na 'yon na sumabay sa pagsayaw ng hangin. Biglang nagsihigpitan ang mga ugat ko sa leeg at pagapang sa buo kong katawan. Naramdaman ko rin ang pagbabago ng kulay ng aking mga mata. Mabilis ang bawat pagkilos ko na sinundan ang pinanggagalingan ng malarosas na amoy na 'yun. Natagpuan ko ang aking sarili na nasa bangin at hinanap ang pinanggagalingan ng amoy. Ang mga mata kong malikot ay tumuon sa isang puting lobo na tila naglalaro sa gitna ng ilog. Humigpit ang pagkakahawak ko sa puno nang maramdaman ko ang unti-unting pagtubo ng pinakatatago kong pangil. Mariing pumikit ang aking mga mata nang muli kong maanoy ang nakakahibang na halimuyak na 'yun. Nasisiguro ko na ang amoy na 'yun ay nanggagaling sa lobong 'yun. I trained to control my self in this kind of situation, pero walang ibang pumapasok sa isip ko kundi ang mainom ang dugo niya. Mahigpit kong kinuyom ang kamay ko para pigilan ang aking sarili na atakihin ang lobo, pero tila naupos ang aking pagtitimpi nang mag-anyong tao ito. Lumakas ang tahip ng puso ko habang titig na titig sa babaeng 'yun. She has a white skin that sparkling in the sunlight. Kitang kita ko ang kagandahan ng katawan niya dahil wala itong saplot sa katawan, na lalong nagpapatakam sa'kin. I was about to attack her when a strong hand stopped me from my shoulder. "Hades!" mariin nitong tawag sa'king pangalan. Si Heves. "Let go," utos ko sa malalim kong paghinga. "No. Paganahin mo ang isip mo!" Matalim ang mga matang binalingan ko siya ng tingin. "I said let go," Tumigas ang anyo ni Heves. His black eyes turned into bloody red, at nagtatagis na rin ang mga bagang niya. Nagbabanta ang mga matang tinitigan niya ako at alam ko sa mga oras na ito ay handa niya akong labanan sa hakbang na gagawin ko. "Think f*cking carefully, Hades. You trained for f,*cking twelve years for this kind of f*cking situation!" Humigpit ang pagkakahawak niya sa balikat ko. "Sasayangin mo pa ang paghihirap mo dahil lang dyan? Paganahin mo ang isip mo!" Bahagya akong natauhan sa sinabing 'yun ni Heves, pero tila nanlalabo ang isip ko dahil sa mahalimuyak na amoy na 'yun na nanggagaling sa babaeng lobo. Pero ayokong sayangin ang paghihirap ko nandahil lang dito. "T-take me out of here, Heves," anas ko mula sa malalim na paghinga. "Good," buong lakas niya akong kinaladkad palayo sa lugar na 'yun dahil ayaw kumilos ng kusa ang aking katawan. Nang mahimasmasan ako ay mabilis akong tumakbo pabalik sa pack house at nagkulong sa aking kwarto. Samantala... "Heves, you're here," naguguluhang salubong ni Celestine sa kaibigan. "What happened to Hades?" Kunot ang noong bumaling si Celestine sa hagdan kung saan umakyat ang anak. "It's good thing that I'm here," "Did something bad happen?" naguguluhan pa ring tanong ni Celestine. Marahan na tumango si Heves. "Papasok na sana ako rito nang makita kong tumakbo papasok sa gubat si Hades. Mabuti na lang sinundan ko siya kung hindi baka nagawa na niyang atakihin ang babaeng lobo," pagpapaliwanag ni Heves. "Babaeng lobo?" Nangunot ang noo ni Celestine. "Akala ko ba kaya na ni Hades kontrolin ang sarili niya?" "Naniniwala ako na kaya na ni Hades, but there's something with that woman na nagpahina kay Hades," "What do you mean?". Marahan na umiling si Heves. "Iyan ang dapat nating alamin," Sa sinabing iyon ni Heves, nakaramdam ng takot si Celestine para sa anak. Sana lang hindi tama ang hinala niya. MARAHAS akong nagbuntong-hininga habang tinititigan ko ang aking sarili mula sa reflection ng salamin. Masyado akong naguguluhan sa nangyari kanina. I never felt what I felt awhile ago in the woods. Ilang tao na ang isinubok sa akin ni Heves, dinala pa niya ako sa maraming tao bilang pag-eensayo at nakayanan ko. kanina nag-iisang babae lang iyon pero ganu'n na ang ipekto sa akin lalo pa nang makita ko ang anyong tao niya. Mariin akong napapikit habang kuyom ang mga kamo. Who's that f*cking woman? Ramdam ko na mayroon kakaiba sa kaniya na hindi ko magawang kontrolin ang sarili ko. Habang nakapikit. Muling lumitaw sa aking isipan ang maamo niyang mukha at ang katawan niyang kayumanggi. Nang imulat ko ang aking mga mata at muling tumingin sa salamin. My eyes turned red at unti-onting lumalabas ang mga pangil ko. Muli ay mariin kong ipinikit ang aking mga mata at pilit na kinakalma ang aking sarili. Hindi pwedeng mawala lahat ng pinaghirapan ko sa Faramis. Katok sa pinto ang lalong nagpainis sa akin. "Who's that?" tiim ang bagang tanong ko. "It's me. Can I come in?" ang aking ina. "No. I don't want to talk to anyone. Please leave." Pagtataboy ko sa kaniya. "Okay, I understand. If you need someone to talk to, I'm just here ready to listen to you, Son," narinig ko ang hakbang ng mga paa niya papalayo. Mabilis kong hinubad isa-isa ang suot kong mga damit at malalaki ang mga hakbang na pumasok sa loob ng banyo. Todo ang baba ng temperaturang binuksan ko ang shower at agad na pumailalim sa malamig na tubig. Mahina kong sinuntok ang pader. "Come on, calm down." Hinayaan ko lang na dumaloy nang dumaloy ang malamig na tubig sa katawan ko hanggang sa maramdaman ko bahagyang pagkalma ng katawan at isipan ko. Nangtuluyan kong naramdaman ang pagkalma ng aking sarili ay tinapos ko na ang pagligo ko. Nagbihis at lumabas ng kwarto. Gusto kong malaman kung anong lugar ang nasa kabilang destrito. Naabutan ko si Mom at si Dad na nag-uusap sa kusina habang umiinom sila ng tsaa. "Son, ayos ka na ba ngayon?" si Mom na tumayo at sinapo ang aking pisngi. "Where's Heves?" "He left already. What's wrong?" Tiningnan ko ang aking ama. "I want to know what place is on the other side of Alta Montaña." Nangunot ang noo ng aking ama. "Howling Point at binubuo ng dalawang pack ang lugar na iyon. Ang WhiteFang at BloodyPaws. Bakit mo naitanong?" "Do you know who's the two Alphas are in charge of that area?" usisa ko pa. Nagkatinginan ang mga magulang ko at muling ibinalik sa akin ang tingin. "Si Alira Kenta ang Alpha ng WhiteFang pack at si Yesha Reese naman sa BloodyPaws pack." Nagbuntong-hininga ang aking ama. "Son, kung mayroong bumabagabag sa'yo ngayon you can tell us, so we can help you." Marahas akong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. "Kanina, habang nasa dulo ako ng bahagi ng Garrette may naamoy ako na nakakahalimuyak na amoy ng isang dugo and because of smell of her blood I lose my control and I almost attack her." "And?" "I just want to know who she is." "Hades, Alira is my friend's daughter from WhiteFang pack," "Iniisip mo bang sasaktan ko siya?" may inis na tanong ko sa kaniya. "That's not what I mean, Son. But based on what Heves said, you almost attack that woman, paano kung hindi dumating si Heves baka pinaglalamayan na kung sino mang babae iyon." Marahas akong nagbuntong-hininga at pilit na pinapakalma ang aking sarili. Bakit nga ba interisado pa akong makilala siya? "Now tell me,why you're interested with that woman?" muling tanong sa akin ni Dad. Umiwas ako sa kaniyang tingin. "I don't know. There's something I felt in that woman." Nagbuntong-hininga si Mom. Hinaplos niya ang balikat ko. "Sa tingin ko mas makabubuti kung hindi mo na siya makilala, anak." "You're right, Mom." Tipid niya akong nginitian. "Kumusta ang pag-enroll ninyo kanina nila Hera?" "Ayos naman pero hindi ko alam kung dapat ba akong mag-aral 'dun?" "Bakit naman hindi? Anak ka ng isang Alpha," puno ng pagmamalaking sabi ni Dad. "You'll be okay, Son, don't worry. Just enjoy your teenage life," it's Mom. "I will try," tipid kong sagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD