FRANCHESKA'S POV "I'm sorry." Nakita ko ang paghihirap ni Harvey nang makita ang kalagayan ko. Kasalukuyan na akong nasa private room ng hospital. Ngayon na wala akong makeup ay mapapansin nga ang pamumutla ko. Halos wala ng kulay ang bibig ko. Kahit sa condo kasi ay kailangan kong mag-makeup para lagi akong maganda sa paningin niya. Ni hindi ko na maalala kung kailangan ako kumain at humilata na tila walang pakialam sa mundo. Yumuko ako. Unti-unti na naman naglaglagan ang luha. "Let's stop this, Harvey." "W-what do you mean?" Garalgal ang boses niya. "Gusto ko nang tapusin ang lahat. Let's stop. . . everything. Mali ang umpisa natin, masyado natin mindali lahat kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin tayo makawala sa anino ni Mariel. Hindi pwede na habang buhay tayong ganito. At mas lal

