HARVEY'S POV "What?" Nagkasalubong ang kilay ko sa narinig sa kausap ko sa telepeno. Si Mr. Vargas. Plano ko na sanang bayaran ang utang ko sa kanya. "Binayaran na nga ng asawa ang utang mo. Maswerte ka mayroon kang mayaman na asawa." Hindi ko na nakuha pang sumagot sa kabilang linya. Basta ko na lang binababa ang telepeno. May nabuong galit sa aking dibdib. Hindi ba't kabilin-bilinan ko sa asawa ko na huwag pakialaman ang tungkol sa problema ko, pero ano itong ginawa niya? Wala ba siyang ni katiting na respesto sa akin? I settled everything. Binenta ko na ang dalawang branch at may solusyon na rin ako sa problema ko. Pagkatapos kong bayaran si Mr. Vargas ay plano kong gamitin ang pera para sa main branch. Ayon kasi sa mga customers nasasarapan sila sa menu ng restaurant ko pero probl

