Chapterl Seven

1294 Words
FRANCHESKA'S POV Dumating na si Daddy. At pinagbawalan niya muna akong lumabas kahit isang linggo lang, kahit pumasok sa opisina hindi pwede. Kailangan niya raw muna magpa-imbestiga dahil ang duda niya ay mga kalaban sa negosyo ang may kagagawan ng lahat. It's either daw gusto lang kaming takutin o talagang gusto akong patayin. I am now three days being imprisoned in our house at hindi ko kinaya so here I am, tumakas na ako mansyon para makapagliwaliw ng konti. Shopping is life kasi. Actually, I'm on my way home na. Medyo ginabi ako kasi may nakasalubong akong friend sa mall at napasarap ang usapan namin. Naghanda na rin ako ng idadahilan kina Mommy at Daddy na I think sa mga oras na ito ay nag-aalala na sa akin dahil in-off ko pa ang cp ko. Magagalit sila, yes, pero hindi rin nila ako matitiis kapag nilambing ko sila. Napatingin ako sa side mirror nang mapansin na pagliko ko ay lumiko rin ang nakasunod sa akin na puting kotse. Pwede naman na same route lang kami. Pero bakit ako kinakabahan? Why I have a bad feeling? Kahit ma-out of route ay lumiko ulit ako para ma-detemina kung sinusundan nga ako. Lumiko rin! Nang binilisan ko ang pagpapatakbo ay bumilis din ang sumusunod sa akin. "Oh! God! Mommy, Daddy!" Nasambit ko ang pangalan ng magulang ko. Ganito ako kapag nasa helpless na sitwasyon. Kung sana pala nagsama ako ng bodyguard. What should I do now? Kinuha ang cellphone ko sa shoulder bag ko using my one hand. Agad kong pinindot ang numero ni Mommy. Nag-ring. Pero hindi pa man sinasagot ni Mommy ang tawag ay napatili na ako dahil binunggo na ng nakasunod sa akin ang kotse ko. Tumama pa ang ulo ko sa manibela at naramdaman ko nga na may tumulong likido mula sa ilong ko. Dugo! Itinapon ko na lang ang cellphone ko at nag-concentrate sa pagmamaneho! Isa na lang ang naiisip kong paraan. Kailangan kong sapitin ang Police Station. Sinamantala ko ang pagkakataon na mag-overtake sa truck na nasa harap ko. Eksakto naman na may papasalubong na kotse kaya hindi nakasingit ang sumusunod sa akin. Mas lalo ko pang binilisan hanggang sa makakita nga ako ng Police Station. Nang huminto sa tapat ay mabilis akong bumaba. At pumasok sa loob. Umiiyak ako. Hysterical na ikinuwento sa mga pulis ang nangyari hanggang sa pinatawag na lang ang magulang ko. "See? Ano nangyari sa katigasan ng ulo mo, Francheska!" Dumagundong ang boses ni Daddy nang dumating sa Police Station. __ _ FRANCHESKA'S POV Good News and Bad news. Alin ba ang uunahin ko? Sige, bad news dahil katakot-takot na sermon ang inabot ko sa parents ko. As in, first time in history na sinigawan ako ng Daddy ko at namumula siya sa galit. He came to a point na tatlong araw niya akong hindi pinalabas ng kuwarto. As in natiis ako ng parents ko ng ganoon katagal. But here's the good news, I'm on the way now to the province with Harvey. Kailangan ko daw kasi muna magtago dahil ang ako puntirya ng kung sino man ang nasa likod ng pagtatangka. Pinalabas lang na pumunta ako sa ibang bansa pero ang totoo ay sa probinsya lang nina Harvey. Parents ko na rin mismo ang nagmungkahi ng ganitong ideya na hindi rin matutulan ni Harvey. Ang plano ay hanggang two weeks o pwede pang magtagal hangga't walang lead sa kaso. Natuwa ako dahil umaayon sa akin ang lahat na hindi ko na kailangan mag-effort pa. Ngayon na malayo na si Harvey sa girlfriend niya, may pagkakataon na si Aldred na makasalisi kay Mariel. Kailangan pagbalik ng Maynila ay may maganda balita na siya sa akin. I know, masasaktan si Harvey pero dapat rin siya magpasalamat dahil at least nalaman niyang hindi pala loyal ang girlfriend niya sa kanya. Nakakaramdam na ako ng pagod dahil sa biyahe. Nag-eroplano kami, paglapag ay taxi lang ang sinakyan namin na hinatid lang kami sa city, akala ko malapit na ang kina Harvey dahil may isang oras daw ang byahe namin. But I didn't expect na daig ko pa na nag-roller coaster ride dahil sumakay kami ng dyip, tatlong baba at sakay pa. At ito nga ang huli, sakay kami ng trycle at nasa kalagitnaan ng mga nagtataasang tubo at lubak-lubak ang na daan. Ang lugar ay pwedeng pagtapon ng mga salvage victim. So isolated. Bukod sa kay Manong trycycle driver ay iisa pa lang ang nakasalubong namin tao, iyon ay ang nadaanan namin na nagpapapahinga yata sa tabi ng daan na may itak na nakasabit sa beywang. Tahimik lang ako. Hindi na maipinta ang mukha. I'm the socialite Francheska Liu, pagdadaanan lang ang lahat ng ito? Paano na lang kapag nalaman ng mga socialite friends ko rin na sumakay ako ng dyip and trycle? Kanina habang nag-co-commute kami ay pinagtitinginan ako ng tao. Tila na noon lang nakakita ng nilalang na mala-labanos na kaputian at may mamula-mulang pisngi. Or maybe, baka nakatingin din sila sa akin dahil sa suot kong yellow floral sundress na pa-ekis ang style ng strap sa likod, gladiator sandals and fedora hat. Hindi nga naman usual na may nag-co-commute ng ganoong outfit. After so many years! Finally, narating namin ang bahay nina Harvey. Sa gitna pala ng tubuhan ay may mangilan-ngilan na pamamahay. Nagulat ako kasi maraming nakaabang. Kumaway-kaway pa sa akin. Wait, baka akala artista ako. Napatingin ako kay Harvey. "Naghahandaan talaga sila kapag umuuwi ako dito," paliwanag niya. Anong klaseng handa? Nasagot ang tanong ko nang makita ang maraming pagkain na nakahanda sa harap ng bakuran, kasama na ang isang buong lechon baboy. Parang fiesta pala! "Aba! Hijo, ito ba ang girlfriend mo? Bakit hindi niya kamukha ang nasa larawan na nasa computer?" sabi ng isang may edad na babae. "Hindi, 'ma. Si Francheska iyan, nag-iisang anak ng amo ko." "Ay siya ba, napakaputing bata naman ito. Ang ganda-ganda ng kutis!" Hinaplos pa ng ginang ang braso ko. "Ma!" saway ni Harvey. Takot marahil na magtaray ako. No way na magma-maldita ako sa future mother in law ko. Ngumiti ako ng matamis. "Hi po, Tita. I'm Francheska. Nice to meet you po." Nakipagkamay pa ako sa kanya. "Natutuwa din ako na makilala ka, hija. Tawagin mo na lang akong Nanay Alma." "Sure po, Nay!" Binalingan niya ang kanyang anak. "Bakit pala biglaan ang pag-uwi niyo? Mabuti na lang at nakapag-handa ako kahit gahol na sa oras." "Mahabang paliwanag po, 'ma." "Kung ganoon, Ipasok niyo muna ang mga dala niyo sa loob, kaya hala, pasok. Tapos kainin na natin ang hinanda ko." "Sige po, 'nay." Bago pumasok ay napatingin ako sa paligid. Lahat yata ng tao ay lumabas ng bahay para tingnan kami. Ganito ba talaga dito kapag may bagong dating? Infairness, sa lahat ng bahay na naroon ay kina Harvey lang konkreto. Bungalow na matatawag. Tiles ang sahig. Kompleto sa kagamitan at higit sa lahat malinis. Inilagay lang muna namin sa sala ang mga gamit namin pagkatapos ay kaagad din lumabas at pinuntahan ang mga pagkain na nakahanda na nasa bakuran. Pinagsandok ako ni Harvey. At ilang sandali pa ay nilantakan na namin ang mga pagkain. Busog ako kasi bago pumunta dito ay kumain muna kami ni Harvey sa restaurant. Pero hindi ko akalain na mapaparami pa rin ako ng kain. Bukod kasi na ubod ng sarap na pagkain ay nakakagana rin na marami kami kasi niyaya din ng mama ni Harvey ang mga kapitbahay. At ito rin ang unang pagkakataon na kumain ako ng nakakamay. "What?" tanong ko nang pagbaling ko kay Harvey ay nakita kong titig na titig siya sa akin. Umiling siya. Ngumiti. "Sana lagi kang nakangiti." Yes, kanina pa ako nakangiti. Genuine na pagngiti. Hindi ko maatim na pakitaan ng maitim kong budhi ang mga ganitong katotoo na mga tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD