FRANCHESKA'S POV
"Oh really? Ang sweet niyo naman," nakangiting sabi ko habang habang hinihimas ang daliri ko para ma-emphasize sa kaharap ko ang diamond ring ko na katerno sa necklace at earings na suot ko rin. Huh! Tingnan ko lang kung hindi ma-insecure si Mariel. Yes, siya ang kaharap ko. Nakangiti pa ako kahit gusto kong dukutin ang mata niya. Ang plastic ko lang 'di ba?
Habang papasok kasi kanina sa company building namin ay nakita ko siyang nasa lobby, nakatayo at tila si hinihintay ang nobyo niyang si Harvey. Nilapitan ko siya at niyaya sa Coffee shop na nasa harap lang ng building namin.
Marami kaming pinag-usapan lalo ang sweet memories nila ni Harvey. Ewan ko lang, kung nakakatunog siyang may gusto ako sa boyfriend niya. Mukha kasing iniinggit ako sa pasimpleng paraan. Siyempre, patatalo ba ako. Binida ko rin ang mga manloloko kong ex, kunwari mahal na mahal ako.
"Minahal ko si Harvey dahil sa mga good qualities niya. Tanga na ako kung bibitiwan ko pa ang katulad niyang perfect husband material," sabi pa ni Mariel habang nakahawak ang dalawang kamay sa mug. Pati pagsimsim niya ng kape napatatanga ako kasi ang hinhin at nakakabighani. Keber! Mas maputi pa rin ako at mas healthy ang buhok ko.
Speaking of coffee, the truth is kinakabag na ako. Nagkape rin ako nang makipagkita ako kanina kay Aldred.
Hindi ko alam kung nahalata niyang ngising aso na ako. "Pero If I were you, dapat ma-tu-turn off na ako kay Harvey, heler! Ang boring niya, puro siya trabaho. Tapos maliit na peklat pa sa kilay. Mukha rin siyang sakristan. I doubt kung mayroon kayong s*x life."
Yumuko si Mariel. Tila na eskandalo sa mga sinabi ko.
"I don't think kung magaling siya sa kama. Halika dito." Sinenyasan ko siya na ilapit ang tenga sa akin. "Atin-atin lang 'to, ang katawan daw na gaya sa boyfriend mo, maliit daw iyong . . . You know, hindi ka naman na minor pa para hindi mo gets ang ibig kong sabihin, 'di ba?"
Patawarin nawa ako sa ginagawa kong paninira but I need to do this. I mean kailangan kong gawim ang lahat ng paraan. Pero muntikan ng magkasalubong ang kilay ko nang makita ang pamumula ng mukha ni Mariel at ang pilyang ngiti niya.
"You mean . . . "
Tumango siya.
"M-may nangyari na sa inyo?"
"Yes, Ma'am. Naibigay ko na ang sarili ko sa kanya."
Nanghihina na napasandal ako sa backrest ng upuan. Gusto ko siyang sigawan na mukha lang anghel pero malandi pala! Pero hindi ko na isinaboses ang nararamdaman ko. Bagkus ay napahigop na lang ako ng kape. Mabuti pa ang kabag mahal ako.
Ilang sandali pa ay dumating na si Harvey. Tila nagulat siya na magkasama kami ng nobya niya. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa.
Ngumiti ako ng makahulugan sa kanya. We had our little secret awhile ago, sabihin ko kaya? Pero may paraan ako para hindi ako magmukhang masama pero tiyak pagpapawisan si Harvey.
Hinawi ko ang lahat ng buhok sa kabilang gilid para ma-expose ang kalahati ng leeg ko. Nakapusod ako kanina pero inilugay ko para matakpan. Si Aldred ang nakapansin ng kiss mark ko kanina.
Tumabingi ang ngiti ni Harvey. Samantala, natigilan naman si Mariel pero nagpanggap na tila ba walang nakita.
"I have to go, You two lovers, enjoy. Nice to meet you again, Mariel," sabi ko na ang mata ay nakatutok kay Harvey. Gumalaw ang adam's apple niya halatang na tensyon. "And you, pwede ka ng umuwi ng maaga. Samahan mo na ang girlfriend mo."
"T-thank you, Ma'am."
"Swerte mo sa kanya, Mariel. Swear!" Sinadya kong malagkit na sumulyap kay Harvey.
Tumikhim ang babae. Naging pormal ang mukha. Tila hindi na nagugustuhan ang inaasal ko. Hindi niya alam, iyan ang gusto kong mangyari. Sana nga mag-away silang magkasintahan.
_
FRANCHESKA'S POV
Nang bumukas ang pinto ay kaagad kong tinaas ang hawak kong supot na naglalaman ng beer in cans, junkfoods at isang bucket ng fried chicken. Sampung minuto na lang at maghahating-gabi na. Kahit bantay sarado siya sa mansyon ay pumuslit pa rin siya para puntahan si Miggy na ilang araw ng hindi nag-re-reply sa mga text o tawag ko. Marahil ay nagtatampo pa rin sa akin.
Until now wala pa ring kaalam-alam si Mommy sa nangyari sa akin noong nakaraan. Kaya nagtaka siya kung bakit siya mahigpit na binilinan ng kanyang ama na bantayan akong mabuti na kung maari raw ay ihatid-sundo rin ako kung papasok sa opisina. Gusto pa nga ni Daddy na huwag muna akong pumasok pero nagprotesta na ako. Hindi ko kaya na hindi ko makita si Harvey sa loob ng isang araw.
Kailangan ko lang magtiis sa paghihigpit sa akin dahil sa pag-uwi ng Daddy ko, makakasama ko na si Harvey ng twenty-four hours a day. Yes, soon he will be bodyguard. Sigurado na si Daddy pa mismo ang gagawa ng paraan.
At dahil nga pumuslit lang ako ay nakasuot lang ako ng pajama na pinatungan ko lang ng jacket. Naka-tsinelas lang din ako na mamahalin ang tatak.
Umasim ang mukha ni Miggy nang makita ako. Muli niyang isinara ang pinto ng apartment niya.
"Hindi ako, aalis dito!" sigaw ko.
Lumipas ang ilang minuto ay akala ko kaya akong tiisin ng kaibigan ko. Pero muling bumukas ang pinto at kahit nakasimangot man ay hinablot ni Miggy ang mga dala ko at pinapasok ako.
"Sabi ko na nga ba, hindi mo ako kayang tiisin!"
"E, bakit kasi pagala-gala ka sa ganitong oras ng gabi alam mo naman na delikado ang buhay mo!"
"Don't worry, sobrang nag-iingat ako," nakangiti kong sabi habang nilalapag sa center table ang mga dala ko. Nang mailabas ang buong laman ay umupo ako sa sahig at nag-indian sit kahit may sofa naman. No one knew this side of me. Iniiwan ko ang pagiging glamorosa kapag kami na lang ng mga kaibigan ko.
"Kumusta ang puso mo?" tanong ko nang tumabi sa akin si Miggy. Kapwa na ginawa naming sandalan ang sofa. Mas nauna siyang dumampot ang beer in can.
"Not okay."
"Shoot! Tell me everything."
"Ang sakit lang, kasi mukhang seryoso siya ngayon sa current girlfriend niya."
"Gayahin mo na rin kasi ako. Fight for your love and happiness."
Mapait na umiling si Miggy. "Kung mahal niya ako dapat siya ang unang gumawa ng paraan kaso wala e."
"Kiyu loves you, believe me."
"Bakit hindi ko ramdam?"
Hindi ko mapigilan ang mapatirik ng mata. Naparami tuloy ang paglagok ko ng beer. Pagkatapos mapangiwi sa lasa ay tinapik ko ang likod ng kaibigan ko. "Because you two are both idiots. Isang torpe at isang bulag."
"Bulag? Sino, ako?"
"Do you want me to slap you para magising ka na kahibangan mo? Can't you see? Sa titig at concern pa lang ni Kiyu halatang mahal ka pa rin niya!"
"P-promise?"
"Yes! Gusto mo ng patunay?"
Nahihiyang tumango ang kaibigan ko.
"Wait." Inilabas ko ang cellphone ko sa bulsa ng jacket ko at saka pinindot ang numero ni Kiyu. Matagal bago sinagot ng kaibigan. Nang mag-hello ay halatang nagising ko.
'"Kiyu, help! Nandito ako ngayon sa apartment ni Miggy, nagde-deliryo siya at napakataas ng lagnat niya!"
Narinig ko ang malakas na kalabog sa kabilang linya. Malamang nahulog siya sa kama. Ilang segudo rin kasi na puro kaluskos ang narinig ko. Pigil ko ang tawa habang in-imagine ang kaibigan ko ngayon.
"Hello, ano ang nangyari kay Miggy?!" Kahit sa kabilang linya ay dumagundong ang boses ni Kiyu.
"Ewan ko, mataas nga ang lahat. Ang putla-putla na niya. Nagde-deliryo, tinatawag na niya ang pangalan ng kanyang namayapang lola - " Marami pa sana akong idudugtong pero naputol ang tawag.
"Ano'ng kolokohan ang pinagsasabi mo kay Kiyu?" Mahinang hinampas ako ni Miggy sa braso.
"Just wait, he will be here in no time. Pray na lang natin na hindi siya ma-disgrasya sa pagmamadali."
"Miggy!"
"Let's enjoy this fried chicken while waiting for him."
Halatang na-tense si Miggy. Natulala ito habang lumalagok ng beer.
"Ayusin mo nga ang buhok mo, magulo," sabi ko na tumayo. Tinungo ang kuwarto ng kaibigan at kinuha ang suklay. Pagkatapos ay pinatalikod ko siya at ako na mismo ang nagsuklay sa kanya.
Malapit lang bahay ni Kiyu kaya hindi nagtagal ay may narinig na kaming may humintong kotse. At dahil nga walang gate o bakod ang apartment ay katok na ang sumunod.
"Ako na," sabi ko na bago tumayo ay tinapik muna ang balikat ni Miggy dahil naramdaman niyang nanigas siya. "Relax, okay?"
Tumango ang kaibigan ko. Ako naman ay tinungo na ang pinto. Sumilip pa muna ako sa katabi lang bintana para masigurado kung si Kiyu nga pagkatapos ay binuksan na ang pinto.
"Where's Miggy!" tanong ni Kiyu na muntik na akong mabunggo dahil sa pagmamadali na makapasok. Natigilan siya. Nasapo ang noo at napura nang makita si Miggy na nakaupo sa sahig at okay na okay.
Madilim ang mukha na binalingan niya ako.
"It's a prank!" Deklara ko.
"s**t!"
Nasapo ko ang bibig at pigil ang tawa nang mapansin ko ang ayos niya. Imagine! Naka-boxer short lang ang kaibigan ko, magkaiba ang suot na tsinelas at baliktad ang damit, siguro dahil sa pagmamadali. Ewan ko na lang kung ayaw pang maniwala ni Miggy.
"So, maiiwan ko na kayo. Matutulog na ako," sabi kong humihikab at dumeretso na sa kuwarto ng kaibigan. Dito na lang ako matutulog. In-alarm ko ang cp ko ng alas singko ng madaling araw. Kailangan ko kasi umuwi bago pa magising si Mommy.
Bago humiga ay nakiramdam muna ako. Wala akong naririnig na nagsasalita sa labas. Hindi kaya naghalikan na sila?
Whatever!