Chapter Five

1341 Words
FRANCHESKA'S POV Ganoon lang? After that kiss nag-sorry lang siya sa akin? Tapos hinatid ako na parang wala lang. Worst, iniiwasan na niya ako, as in the whole freaking day! That nerve of a guy! Hindi ako makakapayag. Dapat niyang panagutan ang kiss na iyon. Siya ang unang humalik sa akin at hindi ako! Naka-dekuwatro akong nakaupo sa executive chair ko. Hinihintay ko si Harvey dahil pinatawag ko siya. At kahit sa opisina ay suot ko pa rin ang clubmaster style sun glasses ko. Kailangan ko kasi itago ang eyebag ko. Gosh! Hindi kasi ako pinatulog ng kiss na pinagsaluhan namin. How's the kiss? Spectacular! Totoo nga pala ang mga nababasa ko sa mga romance book na mararamdaman mo ang nagliliparang paro-paro sa sikmura. Para akong dinala sa ibang dimensyon na kaming dalawa lang ang tao na hanggang ngayon ay pakiramdam kong dama ko pa rin ang labi ni Harvey. Mabilis lang ang halik na iyon. Hindi lumalalim dahil tila natauhan kaagad ang binata at agad na lumayo sa akin. At naiinis ako sa sarili ko na hindi ako nakapag-react. Natuliro din ako. Hindi ko na nga namalayan nasa tapat na kami namgy building ng Condo unit ko. And now, magtutuos kami. Wait, ano ba magandang pwesto? Uupo sa mesa? Sasandal sa pader? Nakakaharap kuno sa glass wall kung saan kita ang iba pang building sa labas. Mas pinili kong umupo sa swivel chair na nakatalikod sa pinto. Ilang sandali pa ay narinig ko ang tatlong warning knock bago bumukas ang pinto. "Pinapatawag niyo po ako, Ma'am?" Boses na Harvey na tantya ko ay nakatayo sa gitna ng opisina ko. "Yes, may mahalaga tayong pag-uusapan." "Tungkol po saan?" Unti-unti kong pinihit ang swivel chair paharap sa kanya. Pagkatapos ay hinubad ang sun glass ko. "First, Huwag ka ng gumamit ng po at opo kapag kausap mo ako because I'm now your girlfriend." Tila natuka ng ahas si Harvey na nanlaki ang mata sa narinig. "Ano po ang ibig mong sabihin, M-ma'am Francheska?" "We shared a kiss. I assume, you're now my boyfriend. Now, breakup with your girlfriend." Hindi makapaniwala na tinitigan niya lang ako. Matagal. Namayani ang katahimikan sa loob ng ilang minuto. Nagsukatan kami ng tingin pero siya ang unang yumuko. Umiling-iling. "I can't, Ma'am. I love my girlfriend more than anyone else." Parang may tumarak na punyal sa puso ko sa narinig ngunit nanatili akong kalmado. "Bakit mo ako hinalikan kung ganoon? Alam mo bang mahalaga ang halik na pinagsaluhan natin dahil first ko iyon!" "Hindi ko rin alam kung ang pumasok sa utak ko kagabi. I'm sorry but I can't. Hindi kita ma - " Tumawa ako ng malakas para putulin ang sasabihin niya. Alam ko kasi daig pa ng nakamamatay na lason ang mga bibitawan niyang salita. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong namatay sa harap niya pero hindi ako sumusuko sa pagbabaka-sakali na marinig ko rin sa labi ang mga salitang pinakaasam-asam kong marinig. "Ma'am Fracheska . . . " Huminto ako sa pagtawa. Pagkatapos ay tumikhim. "Relax! Pinapakaba lang kita. Pero seryoso ako sa sinasabi kong maniningil ako ng kabayaran para sa pagnakaw mo sa unang halik ko." "Just say it, Ma'am Francheska. I will gladly do it." "No. Padadaliin ko ang lahat para sa'yo." Pagkasabi kong iyan ay tumayo ako lumapit sa kanya at saka walang babalang hinila ko siya sa kurbata at pagkatapos ay siniil ng halik. Hindi makuhama ang binata. Nagulat sa ginawa ko. Wala siyang reaksyon. Para akong humalik ako sa isang tuod. Gusto kong umiyak dahil sa pagkaawa sa sarili pero pinili ko pa rin na ipikit ang mata at pinagpatuloy ang ginagawa. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagtaas ng kamay ng dalawang kamay ni Harvey at sinakop ang aking mukha. Naramdaman ko rin ang paggalaw ng kanyang labi na rumeresponde na sa mga halik ko. Napuno ng kaligayahan ang puso ko. Mas lalo pang lumakas ang loob ko at inilingkis ko pa ang mga kamay ko sa kanyang batok. Mas lumalim pa ang halik. Nanaliksik na ang labi ni Harvey. At mas lalo pang nasindihan ang sensasyon na aming nadarama. He walked and when we reach to the wall he pinned me there without leaving my lips. Napaungol na ako nang bumababa na ang labi niya sa leeg ko. Sa paraan ng paghalik niya diyan, siguradong magkakaroon ako ng kiss mark. Masuyo akong napasabunot sa buhok niya. Pagkatapos ay binalikan na naman niya labi ko. Pero napapasong lumayo siya sa akin nang tumunog ang intercom. It is my secretary, dala na daw niya ang kailangan kong dokumento. Awtomatikong inayos ko ang aking sarili. At narinig ko naman ang malakas na buntong-hininga ni Harvey. Hindi ko mabasa kung anong emosyon ang mababakas sa mukha niya dahil blangko ang mata niya. Pinapasok ko ang sekretarya. Bumukas ang pinto na bitbit niya ang isang folder. "Ma'am ito pala ang papeles na - " "Ilapag mo lang sa table ko." "Yes, Ma'am." "Now, you can leave." Tumalima naman kaagad ang sekretarya ko. Naiwan kaming dalawa ni Harvey na hindi makaimik at nagpapakiramdaman. Ako ang unang tumikhim. Ngumiti. Nilapitan ko siya ang inayos ang kanyang kurbata. "Relax! Alam kong nadala ka lang sa ginawa ko. So quits? Bayad ka na sa pagnakaw mo sa first kiss ko." Bumuka ang bibig ni Harvey pero wala naman namutawing salita sa kanya. May kalituhan pa rin sa mukha niya. Sinukbit ko na ang shoulder bag ko. "Aalis muna ako. May pupuntahan kasi ako. Ikaw na bahala mag-lock ng office ko." "Saan ka pupunta? Delikado pa ang buhay mo. Baka nakalimutan mong may nagtangka sa buhay mo kagabi?" "Don't worry, I'll be extra careful." "Ma'am Fracheska!" Hindi ko siya pinakinggan bagkus ay tuloy-tuloy akong lumabas. Habang patungo sa parking lot ay mapait akong ngumiti. Naangkin ko ang labi ni Harvey ng mas matagal pero batid kong hindi kasama ang puso niya. But I'll consider it as an achievement. Ni sa hinagap ay hindi ko akalain na matiktikman ko ang labi niya. Kung ganyan pala siya karupok, sana noon ko pa ginawa. Papunta ako sa coffee shop kung saan namin napagkasunduan ni Aldred na magkikita. Aalamin ko kung ano na ang progress ng pinapagawa ko sa kanya. It's been a week now but I didn't recieved a any call from him. Kinse minutos lang marahil nang marating ko ang naturang coffee shop. Kaagad kong nakita si Aldred na nakaupo sa sulok. "So, kumusta na ang pinagawa ko sa'yo?" tanong ko nang makaupo sa harap niya. "Coffee?" Sa halip ay tanong niya. "C'mon! Hindi iyan ang pinunta ko dito." "Ikaw naman, masyadong hot. Ano unahin ko, good news or bad news?" Nalukot ang mukha ko. "You mean, my bad news?! Gosh, Aldred, hindi mo akalain na may kapalpakan ka!" "Okay, good news. Tatlong beses ko ng nagawang ihatid si Mariel sa bahay niya. She even bought a new sim card para hindi siya mabuko na nakikipag-text o tawag siya sa akin." Ngumisi ako. "That's a very good progress. So, what's the bad news?" "The bad news is, she just flirting with me pero ayaw niyang kumagat sa pain ko. That girl is crazy in love with her boyfriend. First time kong mahirapan sa pang-aakit sa isang babae, wew!" "Crazy in love? Are you sure? Hindi siya bibili ng bagong simcard kung hindi siya malandi!" "I think she wants thrill for her boring and plain lovelife. Nakakahanga ang matiwasay nilang relasyon, nakapanghinayang sirain." "Aldred!" "Alright! Siyempre, I'll stick to our plan. Don't worry, sa susunod lalapad na ngiti mo sa ire-report ko dahil mas pagbubutihan ko pa." "Good," ani kong ngumisi. "By the way, ano ang mukha ng babaeng iyon sa malapitan? May pimples ba siya? May acne? Have you check kung bukod sa dry ang buhok niya ay may dandruff pa ba?" Noong gabi kasi na ka-face to face ko ang babaeng iyon sa mansyon namin ay hindi ko siya natitigan mabuti. "May mala-sutla siyang kutis, tingin ko wala din siyang dandruff. Nakakaakit ang ngiti niya at - " "Enough! Enough!" "Okay." Kibit-balikat ni Aldred.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD