FRANCHESKA'S POV
So this the disadvantage of having a business tycoon father. I badly need my father pero wala siya, kalilipad lang niya kaninang umaga pa-Japan para sa isang importanteng business meeting. Pero alam ko sa mga oras na ito ay hindi na rin mapakali si Daddy at sobrang nag-aalala na sa akin dahil tinawagan nga siya ni Kiyu para sabihin ang nangyari sa akin pero hindi alam ng kaibigan ko na nasa ibang bansa nga ang Daddy ko.
Lumaki ako na busog sa pagmamahal at hindi kulang sa atensyon. May mga pangkakataon lang kasi na naiipit si Daddy sa mga importanteng gagawin na gaya na lang ngayon. Ayaw ko rin kontakin si Mommy dahil mahina ang puso niya at baka mapaano pa kapag nalaman ang nangyari sa akin.
Kasalukuyan akong nasa Police Station. Nakunan na ako ng statement maging ang dalawang kababata ko. Pasalamat na lang ako dahil hindi nila ako iniwan kahit dis-oras na ng gabi.
Sa buong buhay ko ay ngayon lang nakatakot. Hanggang ngayon nga ay tuliro pa rin ako. Pero nakakapunlumo na wala man lang akong maisip na suspect. Marami akong ginawan ng masama, tinarayan at sinigawan, mapa-mahirap man o mayaman. I'm too proud of myself that I usually look down to others. So, ito na ang kabayaran ng lahat ng pinunla ko.
Tumingin ako sa desk kung saan nakikipag-usap si Harvey sa hepe ng pulis. Inaalam niya ang buong pangyayari. Siya ang dumating. Siguro kung sa ibang pagkakataon lang ay baka kinilig na ako. Pero hindi ko masunggaban ang chance na magkasama kami ngayon dahil nga sa takot na hanggang ngayon ay nasa dibdib ko pa rin.
Nakita kong nakipagkamay na si Harvey sa pulis na kausap pagkatapos ay humakbang na papalapit sa akin. Kaagad na tumuwid ang likod ko. Chin up, stomach in and showing my perfect set of white pearl teeths. Nag-dekuwatro pa ako at bahagyang tumagilid para makita ang balikat ko na lantad dahil sa estilo ng office attire ko and of course para ma-emphasize rin ang strap ng suot kong Victoria's Secret bra. No way I could let Harvey see my vulnerability. I'm Francheska Liu, hindi pwede na magmukha akong basang sisiw.
"Are you okay?" tanong ni Harvey habang inaabot sa akin ang isang bottled water.
Umiling ako. "No thanks," Pagkatapos ay tumayo na. "So shall we go?"
"Sure. Ihahatid na kita sa inyo, Ma'am Francheska."
"By the way, madadakip na ba bukas kung sino ang gustong pumatay sa akin?"
Bumuntong-hininga ang binata. "Ma'amFrancheska, this is not a simple case to resolved instantly."
"What?! Tell Daddy na kumuha ng pinakamagaling na secret agent, kung pwede kasing galing ni James Bond, then go hired him. Hindi pwede na gagala ako tapos may nagbabanta pala sa buhay ko. Or Hired a battalions of armies instead!"
"Ma'am Francheska . . . " Umiling si Harvey. Halatang pigil lang ang inis.
"Okay fine. I'll find a way to catch that culprit! Magbabayad siya!" I gritted my teeth.
Lumapit sa akin si Miggy na humikab na kasunod niya si Kiyu.
"Cheska, mauna na ako sobrang nakakaantok na talaga."
Lumambot ang mukha ko. Hinaplos ang pisngi ni Miggy at inipit ang nakawalang buhok sa tenga niya. "I'm so sorry, Miggy kung naperwisyo ko kayo."
"It's really okay. So total nandito na sundo mo, aalis na ako."
"Wait! Sumabay ka na kay Kiyu."
"No, kaya kong mag-taxi mag-isa," sabi ni Miggy na matalim na sinulyapan ang ex niya. Pagkatapos ay tumalikod na at humakbang. Pero hindi pa siya nakakadalawang hakbang ay pinigilan na siya sa kamay ni Kiyu.
I rolled my eyes. Here we go again. One. Two. Three - enter the dramatic scene.
"No! Umuwi ka na sa Condo mo at kanina pa text ng text ang girlfriend mo!"
"Huwag matigas ang ulo ko, Miggy! Mas importante ang safety mo!"
"I don't need your concern, Kiyu!"
"Yeah because all she need is your love." Sabad ko.
Bumaling sa akin si Miggy. Hindi ko alam kung iiyak ba o galit. "Why? May kasalanan ba ako? Bakit ganyan ka tumitig sa akin?"
"I hate you!" sigaw sa akin ni Miggy. Pagkatapos ay binalingan ang ex niya. "And I really hate you too!"
Walk out siya. Nagkukumahog naman na sinundan siya ni Kiyu. Samantala, muli na naman umiling si Harvey habang nakatitig sa akin.
"Why? I am just being honest, c'mon!"
"Yeah right. So let's go." Nauna na siya sa akin.
Naiwan akong napatanga. How dare him! I'm damsel in distress, muntik ng may pumatay sa akin and that brute did just leave me?
No! Dapat niya akong balikan. Nanatili ako sa kinatatayuan ko. At nang maramdam niya marahil na hindi ako sumunod ay napalingon siya. Binalikan ako.
Ngumiti ako ng buong tamis at saka inilingkis ko ang kamay ko sa kanyang braso. "Let's go."
Lumabas na kami matapos magpaalam sa mga pulis. Tumawid kami sa kabilang kalsada dahil doon naka-park ang kotse na pinapagamit ng kompanya kay Harvey. Iyong kotse ko naman ay kinuha na ng driver pagkatapos kunan ng larawan mga pulis para sa ebidensya.
Habang naglalakad ay bahagya akong napatid dahil lumusot ang heels ko sa lubak na daan. Napakapit ako ng husto kay Harvey.
"Are you okay?" tanong niya sa nag-aalalang tono. "Alam ko kinakabahan ka pa rin sa nangyari, just be strong, Ma'am Francheska."
"Huh?" Naguluhan ako.
"Madadakip din kung sino ang nagbabanta sa buhay mo."
Napaawang ang labi ko. Na-gets ko na. Why not take advantage the situation. Ito nga naman ang misyon ko 'di ba? Pinalungkot ko ang mukha ko, anyong maluluha."
"Honestly, nagtatapang-tapangan lang ako pero ang totoo kanina ko pa gustong mahimatay sa takot," sabi kong hinilig ang ulo sa balikat niya. "Harvey, I'm so afraid . . . muntik na ako k-kanina."
"Sshh, you're also human. Normal lang na matakot. I'm sure your father will do everything to protect you."
"How about you, Harvey?"
"I will also protect you because I am your employee."
Yeah right. What we have is only a employer-employee relationship and there's nothing more than that. Pero total, inilabas ko na rin lang ang talent ko kaya ipagpatuloy ko na.
"I think I'm gonna faint," Hinawakan ko ang ulo ko, as if nahihilo. "Harvey . . . "
Sinalo niya ako nang umaktong nauupos na kandila.
"Ma'am Fracheska! Daldahin kita sa hospital!" Taranta niya akong binuhat.
It's heaven! I'm now in the arms of the man I really love. Pigil ko ang mapasigaw sa tuwa kaya sa halip ay sinubsob ko na lang ang mukha ko sa kanyang leeg.
Hmmm , it smells nice. Swabe lang sa ilong ang bango ng cologne niya. Lagyan ko kaya siya ng kiss mark? I forgot kung ano tawag sa tagalog, I think chikinini yata? Again,Why not? Kapag nakita iyon ng girlfriend niyang dry ang buhok tiyak magtatalo sila. Baka nga mauuwi pa sa breakup. Nice!
Sisimulan ko na sana sipsipin ang leeg niya nang inilapag niya ako dahil kailangan niyang buksan ang kotse pero nanatili pa rin akong nakalambitin sa leeg niya.
"Just hold on, Ma'am. Pupunta tayo sa malapit na hospital."
Napadilat ako. Hospital? No! Takot ako sa karayom.
"No need. I just wanted to eat. Nalipasan yata ang ng gutom kaya nanghihina ko." Totoo ang sinasabi ko. I didn't eat my dinner for the sake of this Plan B. At bilang patunay ay eksakto naman na tumunog ang tiyan ko.
Pinamulahan ng mukha na tinakpan ko ang aking tyan gamit ang mga kamay ko. "I'm sorry," Nahihiya kong sabi.
_
FRANCHESKA'S POV
Tonight is the best night ever! Hindi ko akalain na makakasama ko ng matagal si Harvey. Kumain kami sa isang Restaurant na bente kuwarto oras na bukas. He was really a gentle man for not allowing me to pay the bill. Well, hindi naman mamahalin ang Restaurant, pang middle class, pero na-impress ako sa linis ng lugar. Disente na rin kahit papaano. And the food was superb! Hindi ko lang alam kung nasarapan ako dahil gutom na gutom lang ako o dahil sa kasama ko lang si Harvey o pwede din masarap talaga ang luto.
And for the record, first time na may nanlibre sa akin. Even with my previous relationships, ako pinagbabayad ng kinain namin ng mga naging boyfriend ko. Naitanong ko minsan sa sarili ko kung mahal ba talaga nila ako. Siyempre, ang sagot 'NO' . Alam kong pera ko lang ang habol nila. Pero by the way, part na lang iyon ng kabataan ko. Ngayon, matured at wise na akong mag-isip. At isa pa wala naman akong minahal sa mga naging ex. I didn't let them touch even my finger nails. Pang-display lang sila, para lang may matawag akong boyfriend.
Hindi pa natapos ang gabi na kumain lang kami bagkus kasalukuyan kami ngayon naglakad-lakad ni Harvey sa isang pampublikong parke na kahit mag-a-ala una na ng gabi ay marami pa rin mga tao. Nagugulat nga ako dahil maraming pamilya na naglalatag lang ng sako o picnic blankets para dito na matulog.
Ito rin ang unang pagkakataon na nakaapak ako sa ganitong klaseng lugar. Feeling ko para akong alien kung tingnan ng mga tao dahil ako lang may magarbong kasuotan.
"Ang saya pala dito . . . " sabi ko habang niyayakap ang aking sarili dahil sa lamig. At nakita ito ni Harvey kaya hinubad niya ang kanyang coat at binalot sa akin.
"T-thank you . . ."
Ngiti lang ang sinagot niya.
"Lagi ka bang nandito?" tanong ko.
"Oo, lagi kaming namamasyal dito ni Mariel." Banggit niya sa pangalan ng girlfriend niya kung kaya naiba ang timpla ng mukha ko.
Hindi na ako nagtanong pa. Baka kasi insert niya lang ulit sa usapan namin ang girlfriend niya. It will only ruined my night.
Hindi na bago kay Mommy kung gabi na akong umuuwi. Malaki ang tiwala niya sa akin. Usually din kapag malalim na talaga ang gabi ay sa Condo na ako umuuwi. Pero aasahan ko na hindi pa man tumitalaok ang manok ay bubulabugin na ako ni Mommy, kung hindi siya pupunta ay papupuntahin niya ang katulong para i-check kung bakit hindi ko sinasagot ang tawag niya.
Napatingin ako sa grupo ng mga teenager na nasa swing. Hindi naman sila naglalaro doon. Tumatambay lang.
Tumayo ako at lumapit sa kanila.
"Hey, alis. I wanna try that," mando ko sa isang teenager na lalake na siyang nasa swing.
"Ano ka si Madam?"
"Madam Auring!" sabi din ng isa pa.
Umigkas ang isang kilay ko. "Ano ang nakakatawa?"
"Ikaw! Mukha kang Alien!"
Tawanan ulit ang mga teenagers.
"Bawiin mo ang sinabi mo!"
"Alien!"
I calmed myself. Nang bumalik na ang poise ko ay naglabas ako ng pera sa purse ko. Binigay sa mga teenagers.
"So, sino ang maganda ngayon?" tanong ko na nakahalukipkip.
"Siyempre ikaw, Madam. Diyosa!" Hindi man sabay pero pare-pareho ang sinabi nila.
"Umuwi na kayo sa mga magulang niyo, gabi na, nandito pa rin kayo!"
"Walang problemang, Madam."
Umalis sila na kay lapad ng ngisi. Ako naman naiwan napangiti. Sinubukan ko nga ang swing. Na-excite ako. Puro clumsiness lang kasi ang childhood memories ko kaya ganito na lang ang excitement ko.
"Harvey, come here!" tawag ko sa binata na ilang dipa lang ang layo ng bench na kinauupuan niya.
Ilang sandali pa ay ganap ng nakalapit sa akin si Harvey na as usual napailing na naman.
"Next time, huwag mong sitain ang ganoong klaseng mga kabataan dahil baka mapag-trip-an ka nila."
"What do you mean?"
"What if kung adik sila?" balik na tanong niya.
Nanlaki ang mata ko. Napatayo. Kumapit sa braso ni Harvey. "Ibig sabihin maraming adik sa park na ito?"
Tumango siya.
"Nakakatakot pala dito!" sabi kong siniksik ang sarili ko sa dibdib ni Harvey. Kasalanan ko 'to, manganib na nga ang buhay ko kanina, nagpumilit pa along hindi uuwi. Naging sunod-sunuran lang sa akin si Harvey. Marami pa naman akong napapanood sa balita ng mga commited crimes dahil sa droga.
At siyempre may halong pagpapa-cute na rin sa binata itong ginagawa ko. Akalain mo, nakalibre ako ng yakap. First time and feeling is the best!
"Ihahatid na kita sa sa inyo," mahinang sabi ni Harvey na halos bulong na lang.
Mas matangkad siya sa'kin kaya kahit naka-heels ako ay hindi ako umabot sa leeg. At sa pagtingala ko ay una kong nakita ang adam's apple niya. Napakalapit namin sa isa't-isa at isang maling kilos lang ni Harvey ay posibleng magdikit ang labi namin.
Ewan ko kung ano ang pumasok sa kukote niya kung bakit yumuko pa siya at nangyari nga ang 'di inaasahan. We kissed!
Nanlalaki ang mata ko. Hindi makahuma. Tila libo-libong kuryente ang nanalaytay sa kaibuturan ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdam ko. I wanted to cry in happiness.
Is this true?
Or
Am I only dreaming?"