FRANCHESKA'S POV
PLAN B. Yes, hindi pa ako kontento sa nauna kong plano, may pangalawa pa Magpapanggap ako na may nagtatangka sa buhay ko. For sure, automatic na magpa-panic ang parents ko. Kukuha kaagad sila ng bodyguard ko for my safety. Ayaw ko sa iba. Gusto ko si Harvey lang. Paano ko mapapayag ang parents ko na gawing bodyguard ang binata? Easy! Ako na ang bahala. I have so many ways.
"Sigurado ka ba na gagana itong plano mo?" tanong ni Miggy. Kanina pa siya tutol sa plano kong ito. Pero sa huli ay nadala rin sa paglalambing ko. Paano ba naman kasi kasangkapan ko siya at ang isa pa namin kababata na si Kiyu upang maiskatupran ang plano ko.
Would you believe na mayroon akong best friends sa kabila ng ugali ko? Actually, si Kiyu and Miggy lang naman ang nakakatagal sa ugali ko. Kaya nilang sakyan ang kabaliwan ko or minsan sila din ang kryptonite ko dahil may kakayahan silang baliin ang sungay ko.
Isa lang din ang siguro ako. Hindi sila nakikipagkaibigan sa akin dahil sa pera. Ni minsan nga hindi sila nagpalibre sa akin during our college days. May sarili silang pera. Like, si Kiyu isa ng doctor at may sinabi rin sa buhay. Si Miggy naman bagama't nasa middle class lang ay mataas ang pride. Sa ngayon ay isa na siyang office manager.
Actually, sampid lang ako sa friendship namin. Silang dalawa talaga ang magkababata. Nabuo lang ang pagkakaibigan namin nang minsan akong naghabol kay Kiyu dahil campus heartthrob noon ang mokong. As in no joke, my friend is also a very good looking man. Makalaglag panty din sa kagwapuhan. Magugustuhan ko ba siya noon kung hindi? So, rejected nga ako. Hindi niya type ang bratinellang tulad ko. So ako naman, move on agad. Marami pa akong bala. Crush ko din iyong captain ball ng basketball varsity team namin, pati na ang classmate ko na matalino at maging Professor ko, basta marami!
Si Miggy bilang kababata ni Kiyu ang laging nakakaharap ko dahil nga iniiwasan ako ng mokong. I don't know how it started basta nag-click kaming dalawa ni Miggy kahit sobrang layo ng ugali namin. Hanggang sa nabuo nga ang friendship namin. Si Kiyu on the other hand, kahit inis sa'kin ay tinanggap na rin ako bilang kaibigan.
Ito ang chika, may past ang dalawa kong kaibigan. As in minsan naging mag-on sila. Don't get me wrong, babae si Miggy, Iyong pangalan niya ay shortcut ng Miguelita, ang bansot ng pangalan 'di ba?
Sa totoo lang, ang sarap pag-uumpugin ng dalawa kong kaibigan. Gosh! Simple misunderstanding lang dahilan ng breakup nila and until now hindi pa rin na-re-resolve e, halata naman na mahal na mahal nila ang isa't-isa.
"Trust me, uubra 'to," sabi ko kay Miggy na sinuotan ko ng bonnet na matatakpan ang buong mukha niya at may butas lang sa mata para makakita. Supposedly, si Kiyu ang magpapanggap na goons kaya lang ayaw niyang pumayag. Mabuti na lang napakiusapan ni Miggy na at least kahit mag-drive na lang.
So this is the scene, kunwari nasa daan ako. Tapos may humahabol sa akin which are ang dalawa ko ngang kaibigan. Haharangan nila ang kotse ko sa kalsada kung saan may CCTV para may ebidensya ako na nasa panganib ako. Ayon nga, kunwari magpupumiglas ako at makakatakas. The problem is, ang liit ng katawan ni Miggy, Dinoble-doble lang ang suot na jacket para magmukhang malaki. Sana hindi kami mahalata at maging effective pa rin.
Umarkila ako ng kotse para sakyan ng mga kaibigan ko at tinakpan ko lang ang plate number para hindi madawit ang may-ari.
"So, ready? Miggy, don't forget my instructions,"
"Yes, Madam. Pero mag-ingat ka ha, baka matusok mo ako sa mahaba mong kuko sa drama natin."
"Don't worry, I'll be very careful. May reward kayo sa'kin after this."
Miggy rolled her. "No need. Ginagawa ko ito para sa love life mo. Pero Cheska, promise me, last na 'to ha? Sumuko ka na if hindi talaga uubra. Baka hindi lang talaga kayo para sa isa't-isa ni Harvey."
Tumango ako. Pero sa likod ng utak ko ay gumagana kung ano ang Plan C hanggang Plan Z. Hangga't hindi pa kinakasal si Harvey ay gagawin ko ang lahat.
"So, ready ka na rin?" Bumaling ako kay Kiyu na noon ay nakasandal sa pinto ng kotse habang magkasalikop ang dalawang kamay sa dibdib. Uh! So gorgeous, but no, nawalan siya ng appeal sa paningin ko simula nang makilala ko si Harvey.
Hindi sumagot si Kiyu bagkus ay binigyan ako ng nagbabalang tingin. Okay, I get. It means, oras na mapahamak si Miggy ay mananagot ako sa kanya. Hindi ako takot pero mahal ko si Miggy kaya iingatan ko talaga.
"Tayo na at ng matapos na ang lahat ng ito," tila nababagot na sabi ni Kiyu.
"Okay then, let's do it." Matapos tingnan ang Patek Philippe wrist watch at makitang alas diyes na ng gabi ay tumango ako sa dalawang kaibigan pagkatapos ay lumagatok na ang red stiletto ko sa confident ko na paghakbang. Taas noo ay tinungo ko kung saan naka-park ang ko kotse. Alam na rin nina Miggy at Kiyu kung ano ang gagawin.
___
_
FRANCHESKA'S POV
Napakunot-noo ako nang mapatingin sa rearview mirror at nakita na dalawang kotse ang nakasunod sa akin. Parehong puti. Alin sa dalawa ang sinasakyan ng mga kaibigan? Oh! Nevermind, medyo malayo pa naman ang kalye kung saan. ang planong haharangan ako kuno.
Sinadya namin na gawin ang lahat sa gabi para walang gaanong dumadaan na mga sasakyan, mahirap na kapag may witness at mabuko pa ako sa kabaliwan ko.
Madalian na muli kong pinasadahan ang mukha ko sa salamin. And I am satisfied with my elegant makeup. Suot ko rin ang long sleeve office suit ko na nakalaylay ang isang manggas dahil sa istilo at para-enchance ang strap ng Victoria Secret. It was sexy but elegant.
Kanina napag-aralan ko na kung paano umiyak, humagulhol at magmukhang takot na takot. I have no problem with that because I joined an acting workshop during my teenage years. Yes, I dream of becoming an actress, TV host and model. Pero kinalimutan ko na ang pangarap na iyan dahil hindi talaga para sa'kin.
Kinapa ko ang purse ko nang marinig kong nag-ring ang cellphone ko. Incoming call from Miggy. I answered the call using one hand. Pagkatapos ay inipit ko na sa pagitan ng leeg at balikat ang cellphone.
"Yes - "
"Cheska! Someone is following you!"
I rolled my eyes with the exaggerating voice of my friend. "Yeah, sinusundan niyo ako."
"Hindi kami 'yan. Hindi kami binibigyan ng daan. Swear, Cheska. Ikaw ang sinusundan niya!"
Awtomatikong napatingin ako sa salamin upang silipin ang kotseng nakasunod sa akin. I didn't feel anything unusual naman. Umingos ako sa kaibigan. "Don't panic, o - " Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil may sumagi sa likurang bahagi ng kotse ko. And it was the white car.
"How dare you! Ginasgasan mo ang Lamborghini ko!" Inis kong sabi. Nag-warning signal ako natatabi sa daan. Pero sa pag-menor ko ay muli binangga ang kotse ko.
Sa sandaling ito ay kinakabahan na ako. Oh God! Karma na yata 'to. It wasn't the first time someone's threatened my ife. Bukod sa mga kalaban sa negosyo ay marami na rin akong nakabanggang tao dahil sa ugali ko.
Ginitgit ng puting kotse ang Lamborghini ko hanggang sa sumasadsad na nga ako sa pader ng isang building. Mabuti na lang at kaagad bumukas ang airbag kung kaya wala akong pinsala na natamo. Nanginig ako sa takot. But no, wala sa bokabularyo ko ang umiyak. Matapang na bumababa ako ng kotse na isang malaking pagmamalaki. Hindi ko ginamit ang utak ko. Paano na lang papa kung may baril ang sakay sa puting kotse? O 'di kaya ay bigla na lang akong sagasaan.
Kumalabog ng husto ang dibdib ko nang tumapat sa'kin ang headlight. Ito na ba ang katapusan ko?
Mom and Dad . . .
Harvey . . .
Hindi ko na mapigilan ang pagdaloy ng butil ng luha sa pisngi ko. Mas lalo pa akong mariin na pumikit. Hinihintay ko na lang na sasagasaan ako. Pero muntik na akong mapatalon sa nakakabinging huni ng busina. Sina Miggy and Kiyu.
Alisto naman naman humarurot palayo ang putinng kotse. Bumababa ang sa sinasakyan ang mga kaibigan ko at kaagad akong dinaluhan. Si Miggy nikayap ako. Samantalang si Kiyu ay may tinawagan sa cellphone.
Tulala ako sa mga nangyari. Ilang sandali pa ay umalingawngaw na ang serena ng pulis na patungo sa kinaroroonan namin. Dalawang police vehicle ang huminto. At ang pinakahuli nga ay ang kotse ng daddy ko. Iniluwa doon si Harvey at pinagbuksan ang dad ko. Malamang ang daddy ko ang tinawagan ni Kiyu.