FRANCHESKA’S POV Napangiti ako nang makita ang mga estudyanteng dumadaan ang sa pedestrian lane. Bigla kasi na may pumasok sa utak. Memories noong nag-aaral pa lang ako sa high school at kabilang sa memories na iyon si Harvey. Hindi ako basta lang humanga kay Harvey dahil sa taglay niyang kagwapuhan. May malalim na rason. He’s my hero. Second year high school ako noon at siya naman ay nasa koliheyo. Inutusan siya ni Daddy na sunduin ako sa school dahil noong time na iyon ay nagkasakit ang driver ko. Maraming naiinis sa akin sa campus dahil maldita ako, brat at mayabang. At kabilang na sa galit sa akin ang pinakamayabang sa loob ng klase. Pero walang laban sa akin si Juliet - yes, tandang-tanda ko pa ang pangalan niya. Higit akong mas maputi at mas mayaman sa kanya. Iyon nga lang dahil t

