FRANCHESKA'S POV Tanghali na ako nagising. Hindi dahil napasarap ang tulog ko kundi wala talaga akong tulog at all. Nanibago kasi ang katawan ko sa oras dito sa 'pinas, idagdag pa na late na akong pumasok sa kwarto ko dahil napasarap ang kwentuhan namin ng parents ko at ni Mariel. Wala sila nang magising ako. Si Daddy, may importante raw na gagawin. Balita ko bukas na yata ang permahan nila ng bibili sa share niya sa kompanya. Nagtataka nga ako dahil hindi ko siya kakitaan ng lungkot na ibebenta niya ang kompanyang pinagpaguran niya ng husto. Siguro buo na rin sa loob niya ang mag-retire. Nandito naman ako para sa kanila ni Mommy e. Si Mariel naman bilang teacher ay maagaa rin umalis upang pumasok sa pinagtuturuan niya. Actually, may bukod na siyang tinirahan pero dahil wala nga ako ay

