FRANCHESKA'S POV Mula sa terrace ay nakikita ko sina Harvey at si Mariel na masayang nakikipag-usap sa mga kapitbahay. Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng inggit dahil hindi ganyan ka-friendly ang mga taga-rito sa akin. Makikita ang intimidation sa mga mukha nila kapag nakakasalubong ako dahil hindi ko sila kailanman nginitian. Bakas din sa mga mata nila ang paghanga sa kagandahan ni Mariel na kung titigan nila ay para bang isang diwata ang kaharap nila. Kung may magic lang ako sa mga oras na ito ay nag-teleport na ako papuntang Maynila upang singhalan si Aldred. Inutil! Walang silbi! Hindi man lang nagkaroon ng progreso ang pinapagawa ko sa kanya. Ang usapan namin ay isang buwan lang at mapapaibig na niya si Mariel, but look what happen now? Sumugod pa dito sa probinsya ang hitad. Na

