FRANCHESKA'S POV May ugali ako na kapag may menstrual period ay umiinit ang ulo. Lahat pinagbubuntungan ko ng inis. I'm a dedicated when it comes to work pero um-absent talaga ako kapag first day of period dahil nag-iibang anyo ako. Idadgad pa ang dysmenorrhea, pero hindi ako umiinom ng pain killer. It's not that I'm into traditional medicine, kundi sa edad kong 'to ay hirap pa rin ako lumunok ng tableta. Lalo na kapag sumasabit sa lalamunan o 'di kaya'y natutunaw na sa bibig pa lang, the taste is so disgusting. Mula kaninang umaga ay hindi pa rin ako lumalabas ng kuwarto. Nakailang katok na rin si Harvey, nakikiusap na pagbuksan ko pero sinigawan ko lang ang pobre. Kahit si Nanay Alma nag-aalala na rin sa akin. Kinatok na rin ako sa kuwarto kaninang umaga. Nahiya naman ako na hindi ko