Veronica's POV BUONG araw ay nakasilay ang isang malaking ngiti sa aking mukha. Bakit hindi? Maliban sa malakas na ang kita ng shop namin, kasama ko pa ang mahal ko. Sa totoo lang ay wala na akong mahihiling pa. Alam kong sa pagkakataong ito, wala nang makakapagpahiwalay sa amin ni Chronos. At kung sino man ang sumubok, hindi ko na hahayaan na magtagumpay sila. Alam ko rin naman na wala na kaming magiging problema pa, maliban na lamang siguro kay Tita Sabel na kanina pa nakakunot ang noo habang nakamasid sa akin. "Tita Sabel, matutunaw na ako sa mga titig mo!" sabi ko nang magdesisiyong tumayo mula sa mesa at diretsong nagtungo sa aking kuwarto. Hinihiling na sana ay hindi ito sumunod sa akin. Gabi na at katatapos lang namin maghapunan. Laking dismaya ko naman nang hindi pinakinggan n