Special Chapter | Three

3003 Words

Veronica's POV NATIGILAN sa paglalakad si Tita Sabel nang mabungaran kami nitong magkatabi ni Chronos habang nakaupo sa sofa ng sala. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa amin saka iyon bumaba sa kamay naming magkahawak. Agad kong binawi ang kamay ko at dumistansiya kay Chronos. "Hi, tita!" sabi ko at mabilis na tumayo at lumapit dito saka humalik sa pisngi niya. Mataman itong tumitig sa akin at hindi man lang nag-abalang ngumiti. "Gabi na. Hindi pa rin ba uuwi ang... boyfriend mo?" Halatang hindi pa rin ito sanay sa mga nangyayari. Nilingon ko si Chronos at sinenyasan na umalis na ito. Pero laking gulat ko nang mariin itong umiling. "May sasabihin kami—" "Chronos!" mabilis kong pigil dito at bumalik sa kaniyang tabi. "Ano'ng ginagawa mo? Huwag mo munang sabihin!" pilit kong pinababa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD