Prologue

494 Words
Nanginginig ang mga kamay ko habang naglalakad sa gitna ng madilim at tahimik na kalsadang pinalilibutan ng mga puno. Nakagat ko ang ibaba kong labi sa takot at para bang hinipan ng malamig na hangin ang aking likod. Mabuti na lang dahil kasama ko ang best friend-slash-boardmate ko na si Lea kaya bahagyang nabawasan ang takot na nararamdaman ko. Sa kalagitnaan ng paglalakad namin ay bigla kaming natigilan nang marinig ang sunod-sunod na ungol ng isang babae. "A-Ano 'yon?" pabulong kong tanong. Mabilis na namilog ang mga mata ko habang lumilinga sa paligid. Nagkibit-balikat naman si Lea at may pilyo pang ngiti sa mga labi. Kung si Lea, nagagawang ngumiti at mag-isip ng kalokohan sa ganitong sitwasiyon, puwes ako, hindi! Kinikilabutan ako sa bawat ungol ng babaeng naririnig namin. Hinding-hindi na talaga ako sasama kung sakaling magyaya uli ng inuman ang mga lalaki naming kabarkada. Aba, mag-a-alas diyes na ng gabi at kami na lang ni Lea ang natitirang tao sa kalsada! Dito kasi sa pinakaliblib na probinsiya ng Zamboanga del Norte ay hapon na kung mag-umpisa ang klase ng mga kolehiyo kung kaya't, no choice kami kundi umuwi ng gabi. Malayo pa naman ang lalakarin namin ni Lea dahil may kalayuan ang boarding house na inuupahan namin, bagay na nakapagpadagdag lamang sa takot na nararamdaman ko. "Ohh! Fuck! Yes! Ugh!" Ang namimilog kong mga mata ay halos lumuwa na nang marinig ang salitang, 'fuck'. Nako, one hundred percent, nagtutukaan ang mga iyon! Mukhang tama si Lea sa kalokohang naiisip niya! "OMG! See? May dapat ka bang ikatakot sa ganiyan?" humahagikgik na tanong ni Lea habang lumilinga-linga rin sa paligid na para bang hinahanap nito ang mga nagjejerjeran. Sa kabila ng mga narinig, hindi pa rin nawawala ang takot sa dibdib ko. Kumapit ako sa braso ni Lea upang mabawasan ang kabang nararamdaman. Kulang na nga lang ay manginig sa takot ang buo kong katawan. Mahina akong tumikhim bago nagsalita. "Lea, a-alam mo naman na m-may . . ." Kusa akong huminto sa pagsasalita bago luminga sa paligid upang siguraduhin na walang halimaw ang nagtatago at nakatitig sa amin na anumang oras ay nakahanda kaming atakihin. ". . . m-may a-aswang na gumagala ngayon, 'di ba?" pagpapatuloy ko sa naudlot kong salita. Tumawa naman si Lea bago umiling. "Naniniwala ka ro'n? Nica naman, ikaw 'tong taga Maynila sa ating dalawa, ano—" agad na natigilan sa pagsasalita si Lea nang isang nakabibingi at nakakikilabot na tili ng isang babae ang umalingawngaw sa buong paligid. Parehong nanlaki ang mga mata namin at nagkatitigan. Kasunod ng malakas na tili ng babae ay isang pagaspas ng pakpak. Halos bumingi iyon sa aking pandinig. Para bang malaking pakpak iyon kaya naglikha ng ganoon kalakas na ingay. At nasa isang parte ng gubat hindi kalayuan mula sa amin ang pinanggagalingan niyon. Tulala kaming napatitig sa banda ng gubat kung saan nanggagaling ang hiyaw habang mahigpit na magkahawak ang aming mga kamay. Ang ihip ng malakas na hangin ang naging hudyat namin upang tumakbo nang mabilis at lisanin ang lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD