Veronica's POV "HINDI ka pa ba uuwi?" Hindi ko magawang sumagot sa kaniyang tanong. Patuloy na naglalaro sa aking isipan ang malansang amoy ng dugo na kanina lang ay malinaw sa pang-amoy ko, ngunit ngayon, bigla na lang itong naglaho. "Bakit, may problema ba?" muli nitong tanong sa akin. Saka naman ako nahimasmasan. Agad akong umiling at nilingon ang mga papel sa semento. Kasalukuyan kasi kaming nasa court ng basketball, dito namin ginagawa at inaayos ang mga bulaklak at pusong gagawing disenyo para sa party. "M-May ginagawa pa ako, e," nagawa kong sabihin sa kaniya. Nakita ko naman siyang tumango. "Ayos lang ba kung hihintayin kita?" Umawang ang bibig ko sa narinig. "H-Ha?" Muli ko pa sanang ibubuka ang bibig ko upang magsalita nang bigla namin marinig ang isa naming titser. "Ma