Veronica's POV "S-SI CHRONOS?" ulit ko sa pangalang binanggit ni Rosa. Tumango siya sa akin at ngumiti. "Napaka-gentleman, `di ba? To think na gabi na." Unti-unting kumunot ang noo ko habang nag-iisip. "Wala siyang ginawa?" Sa pagkakataong iyon, si Rosa naman ang nagsalubong ang dalawang kilay. Bahagya itong natawa at pabirong hinampas ang braso ko. "Ano naman ang gagawin niya, oy? Hinatid lang talaga niya ako." Bumuntonghininga ako at muling ibinaling ang tingin kina Uncle Markus. Nagtataka lang ako, gabi na at sila lang dalawa, pero walang ginawa sa kaniya si Chronos? "Alam mo, si Chronos lang ang estudiyante sa atin na may sariling kotse. Alam naman dito, karamihan sa mga tao, naghihikahos. Kaya napaka-popular niya sa lahat." Nilingon ko si Rosa at nakita ang matatamis niyang ng