Veronica's POV PASADO alas-cinco ng hapon nang magpaalam ako kina Lea upang umalis sandali. Ang sabi ko sa mga ito ay bibili lang ako ng pagkain, pero diretso akong lumabas ng tarangkahan at tinungo ang daan pabalik sa boarding house. Matulin akong naglalakad habang nakatingin sa matatayog na puno at mga d**o. Pilit kong ipinagkasiya ang ilang piraso ng bawang at isang supot ng asin sa aking bulsa. Pasadya ko kasing iniwan ang bag ko upang hindi magduda sina Lea. Umihip ang malakas at malamig na hanging nagmumula sa loob ng gubat. Isinasayaw nito ang bawat dahon ng puno na aking nakikita. Huminto ako sa paglalakad at marahas na nagbuga ng hangin. Humawak ako sa tapat ng aking dibdib at pinakiramdaman ang sariling pintig ng puso. Ang lakas ng tambol sa dibdib ko. Kinakabahan ako dahil s