Veronica's POV MALALIM ang paghinga nito at waring nanggaling sa ilalim ng hukay. Unti-unti itong lumingon sa akin at kahit madilim ang paligid, nagawa kong makita ang dalawang pares ng kulay pula nitong mga mata. Umungol ito na parang aso, na parang halimaw nang makita ako. Ilang beses akong napalunok. Sinubukan ko rin igalaw ang mga paa ko upang tumakbo, pero hindi ko magawa. Para akong pinako sa aking kinatatayuan. Unti-unti itong naglakad papalapit sa akin. Hindi ko makita ang kaniyang mukha dahil sa dilim, ang sigurado ko lang, ito ang aswang na pumapatay. Dahil nanunuot sa ilong ko ang amoy ng sariwa at malansang dugo. "C-Chronos?" nagawa kong sambitin ang pangalan nito. Natigilan naman ang aswang. Huminto ito sa matulin niyang paglalakad, pero mas bumangis ang anyo. Parang mas