Veronica's POV NAKANGITI akong bumalik sa boarding house habang dala ang isang supot na naglalaman ng mga pagkaing binili ko. Kanina ay hindi ko inaasahan na si Markus Atara ang umusisa sa akin. Ito ang nakababatang kapatid ni Mama na lagi nitong ikinukuwento sa akin noon. Bago pa man ako pumunta rito upang mag-aral, nabalitaan ko na kay Tita Sabel na isang pulis ang uncle Markus ko. Hindi ako nabigyan ng pagkakataon na makilala ito, maliban kanina, dahil wala na ang mga ito sa dating address nila. Natatakot din akong magpakita sa kanila dahil baka hindi nila ako matanggap. Natigilan ako nang makita si Lea habang nakatayo ito sa bungad ng pintuan ng boarding house. "Oh, kumusta?" bungad nito sa akin. Nakangiti kong itinaas ang hawak na supot. "May dala akong pagkain," masigla kong wi