Veronica's POV MABILIS akong tumayo dahil sa narinig. Para akong dinamba ng rumaragasang truck nang maisip na may nangyaring masama kay Chronos. "A-Ano `yon?" "Who's she?" narinig ko pang bulong ni Lea. "Kapatid ni Chronos," suminghap pa ito sa sinabi ko. "Ang traydor na nagsumbong sa mga pulis tungkol kay Chronos, kilala ko na." Mabilis na nagsalubong ang dalawang kilay ko sa narinig. "T-Traydor?" Magkasalubong ang kilay nito nang muling magsalita, "Si Arida at Sasha." Halos lumuwa ang mga mata sa mga pangalang binanggit nito. "S-Si Sasha at . . . ang dean ng school namin?" Bumilis ang paghinga ko habang iniisip ang dahilan kung bakit nasali rito sina Sasha at ang mama niya. "Oh, what's with that b***h? Ba't nasali sa usapan n'yo ang mineral bottle na `yon?" Nilingon ko si Lea n