Veronica's POV "MAY natagpuan na namang dalawang bangkay ng babae." Narinig ko ang pagsinghap nina Lea at Beatrice sa ibinalita ni Ate Michelle, pero ako, hindi na nagawang magulat sa narinig. Siguro iyon ay dahil inasahan ko na talagang makarinig ng ganoong balita ngayong umaga. "Gaya noon, wakwak ang dibdib at pati ang tiyan ng mga biktima," dagdag pa ni Ate Michelle. Nakita ko ang pagtayo ni Beatrice. Mabilis itong lumapit sa kinatatayuan ni Ate Michelle. "Bakit dalawa?" naguguluhan nitong tanong. Dahil sa sinabi nito, ako man ay napaisip din. Bakit nga ba dalawa ang biniktima ng aswang? "Ang sabi ng ilang kapitbahay, ilang araw nang patay ang natagpuang dalawang bangkay, pero kaninang madaling araw lang nakita ang katawan nila." Napalunok ako ng ilang beses sa sinabi nito. Ka