Veronica's POV "LEA, tawagan mo nga si Anzo!" Hindi ako mapakali habang pabalik-balik ng lakad sa loob ng kuwarto nito. Kanina pa ako kinakabahan. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may hindi magandang nangyayari. "Ginawa ko na, tatlong beses na nga." Nag-angat ako ng mukha at nakita si Lea sa bukana ng pintuan. "Nakapatay ang cell phone niya." Napalabi ako dahil sa narinig. Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit sobra akong kinakabahan? "Lea, hindi ako mapakali. Baka may nangyayaring hindi maganda kay Anzo!" "Huwag ka ngang magsalita ng ganiyan." Lumapit ito sa akin at umupo sa gilid ng kama malapit sa akin. "Baka imahinasiyon mo lang kamo `yong kanina." Umiling ako sa sinabi niya bago huminga nang malalim. "Kailangan natin balaan si Anzo, Lea. B-bka may mangyaring masama sa kaniy