Chapter 23 Umalis Hindi ko maialis sa isipan ko ang lahat na sinabi ni Flor. Parang nasampal ako sa katotohanan. She's right, nasanay lang ako na mula noon, si kuya Santi ang nagdedesisyon sa buhay ko. Wala akong ibang nakikita kundi siya. Binawasan ko ang oras sa pagkikita kay kuya. Inabala ko ang sarili sa skwelahan at paintings ko. Isang araw bumungad sakin ang bulong bulongan ng mga ka klase. Umupo ako sa upuan nang tabihan ako ni Pitchy, ang may crush kay kuya. "Alam mo na ba ang bagong post sa Monreal College Confessions?" "Huh? May ganun ba?" "Oo page ng Unibersidad. Alam mo, ang lat