Chapter 22 Wake up Malakas ang enerhiya ng kanyang mga tingin. Tila hinihigop nito ang aking pagkatao. Umiwas ako at pinalis ang luha saking mga mata. Ini-off ko ang tawag, "Si Andre. Magpapasundo sana ako." mahinang sagot ko. Humakbang siya isang beses sakin , saglit napatigil ng makita niyang umatras ako. "Umiyak ka.." Umiling ako, "Wala to, namimis ko lang si mama." "Bakit ka umalis?" nagdududang tanong nito. Gusto ko sanang sumagot pero hinawakan na ako nito sa kamay at hinila pabalik sa loob ng office n'ya. Wala na si Flor ng bumalik kami. "Nasan si Flor?" I asked him. Umupo ito sa swivel chair niya at